xMCB 28x

104K 1.8K 40
                                    

Twenty eight

September 11

Sunday

 

Joanna Eliza's POV

"Wala pa ba sila?"ang tagal naman nila. Baka malate na kami sa first mass.

"Tinext ko na sila e. Malapit na daw."sabi ni Mich.

Umupo na lang ako sa sofa. Ang usapan 4:30 nila kami susunduin, 5 na wala pa din ang IH7. Saan lupalop naman sila napadpad? Sina Kuya Jop at Yhanna nauna na. Ewan ko ba dun sa dalawang 'yun. Biglang naging close.

"Salamat naman at nandito na kayo! Bakit nalate kayo?"tanong ni Mich.

Sumilip ako mula sa gate at nakitang nandun na nga silang pito.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Sorry ang tagal namin. Eto kasing si Zac ilang oras naligo e."sabi ni Charles.

"Oh, pwedeng magsorry?"sabi ni Zac.

"Hindi?"sabat ni Luke.

"Edi hindi. Lol."matawa-tawang sabi ni Zac.

"Hey."lumapit sa akin si Nathan at ngumiti.

"Hi."nginitian ko din siya. Naka-black polo shirt siya at pants while ako naman ay nakastripes shirt and pants.

"Tara?"tumango ako at pumunta na kami sa kotse niya. Tatlo ang kotseng dala nila.

"Uy! Uy! Pasakay din! Hintayin niyo kami!"tumakbo papunta sa amin si Jin at Ren.

"Dun na lang kayo sumakay!"pagtataboy ni Nathan sa dalawa.

"Ehh. Ayaw! Nate naman!"nagpout si Jin. Aww. Ang cute ng kapatid ko.

"Tss. Oo na basta 'wag ka ngang magpout! Ang pangit."bigla naman nagpoker face si Jin. Ang bad mo Nathan!

"Ehem. Kapatid ko yan."lumapit sa akin si Jin at yumakap.

"Oh ano ka Nate. Tara na sa kotse at tayo'y magdayo na sa simbahan!"akmang papasok na si Ren pero hinawakan lang ni Nathan ang noo niya at inilayo.

"Kapatid ka?"tanong nito.

"Hindi, kaibigan niyo."binelatan ni Ren si Nathan at tumakbong binuksan ang pinto ng kotse sa likod. Sumakay na rin si Jin at tumabi kay Ren.

"Kasi kung pinasakay mo na lang edi sana tapos na. Hahaha!"pumasok na din ako sa kotse. Nakita kong ginulo pa ni Nathan ang buhok niya out of frustration bago siya pumasok ng kotse.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon