xMCB 25x

106K 1.4K 247
                                    

Chapter Twenty-Five:

Same Day

Joanna Eliza's POV

"Nathan hindi iyan kailangan."Sabi ko. Binalik niya ulit ang kinuha niyang isang kilong brown sugar. Kanina, kumuha siya ng napakadaming sotanghon, flour, baking soda at kung anu-ano pa na hindi naman namin kailangan.

"Hindi ka talaga marunong magluto noh? Eto oh, sinulat ko dyan lahat ng kailangan na putahe."sabi ko at inabot sa kanya yung papel na nasa bulsa ko.

"Tss."kinuha na niya yung papel at tinulak na ulit ang cart. Sinundan naman namin siya ni Baby.

"Baby, ang kulit ni Kuya mo noh?"sabi ko. Nakatingin lang sa akin si Baby at ngumingiti.

"I heard it."Ooops.

xx

 

"P2,492.10 po."binigay ni Nathan yung credit card niya. Grabe, umabot sa two thousand ang binili namin. Si Nathan kasi namili na din ng mga chocolates at mga pwedeng kainin nina Nadine at gatas ni Baby.

"Baby uuwi na tayo!"masayang sabi ko kay Niel. Napangiti na naman si Baby. Ang cute talaga niya! Nagclap pa.

"Ma'am and Sir, ang cute naman po ng anak niyo."sabi nung cashier. Hindi na ako nakareact dahil hinila na ako ni Nathan palabas.

Kung anu-ano na pinag-iisip ng cashier na 'yun. 1st year college pa lang kaya kami.

Dumiretso na kami sa sasakyan at nagdrive na siya.

"Baby tulog ka muna, ok?"inayos ko ang pagkarga kay Baby at hinele. Maya-maya din ay nakatulog na siya.

Makatulog na nga rin.

xx

"Eliza... we're here."minulat ko na ang mata ko at umayos ng upo. Lumabas na ako ng kotse. Mahimbing pa rin ang tulog ni Niel.

Pumasok na kami sa elevator. Mga ilang sandali lang ay bumukas na ito at dumiretso na kami sa condo niya.

"Wala pa din pala si Nadine."sabi ko habang inilalapag si Baby sa kama.

"I texted her awhile ago. Uuwi na din daw siya."

Inayos ko na lahat ng gagamitin ko at nagsimula ng magluto. Panigurado si Nathan lang ang nag-insist na umuwi si Nadine. May pagka-protective din eh.

 

"Eliza I'll take a nap for a minute or so. Gisingin mo na lang ako."tumango na lang ako. Pumunta siya sa kwarto at tumabi kay baby. Ang cute nila!

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon