xMCB 19x

110K 1.5K 165
                                    

Follow me in Twitter!

Add me in Fb!

Like The Page!

Chapter nineteen:

September 2

Friday

Kapag nagmahal ka, iba't-ibang emosyon ang maipapakita mo tulad ng saya, lungkot, selos, galit at kung anu-ano pa.

Sa ngayon, dalawa lang ang masasabi kong nararamdaman ko.

Galit at Takot.

Hindi ako galit at takot sa kanya.

Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil hindi ko man lang napigilan ang sarili kong mahalin siya. Takot naman ako dahil alam ko, ano mang oras, lalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

"Sissy... Hindi ka pa ba kakain?"sabi ni Yhanna.

Nandito kami sa apartment namin. Hindi ako umuwi kagabi sa amin dahil sigurado ako, kakausapin ako ni Jin at malalaman ni Kuya ang lahat. Ayokong lubha silang mag-alala sa akin.

"Jan... Uy! Nag-aalala na kami sa'yo. Mula kagabi, hindi ka na kumikibo at hindi ka na rin kumakain. Baka magkasakit ka niyan."sabi ni Mich. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at hinarap sila.

Nakaupo silang dalawa sa gilid ng kama ko. Sinabi ko sa kanila na wag ng mag-alala dahil pati sa dulong napasukan ko nababahala din sila.

"Kaibigan mo kami. Kahit na hindi kami dapat nasasaktan, hindi pa rin namin maiiwasan dahil kaibigan ka namin. Hindi namin maiiwasang mag-alala sa'yo."sabi ni Mich. Tumango-tango naman si Yhanna.

"Salamat."binigyan ko sila ng matipid na ngiti. Niyakap nila akong dalawa. Mabuti na lang nandito sila at handa akong alalayan. Kumalas na sa pagkakayakap si Mich at ganun din si Yhanna.

"May gustong kumausap sa'yo nasa baba siya."sabi ni Mich. Kumunot ang noo ko. Sino naman kay ang gustong kumausap sa akin?

"Sino?"

xx

Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili. Tinignan ko sa salamin ang mukha ko. Ang itim ng gilid ng mga mata ko. Halatang hindi ako nakatulog.

Maya-maya, may kumatok na sa pintuan ko. Tinanong ako ni Yhanna kung pwede na daw bang papasukin kat sinabi kong sige.

Huminga muna ako ng malalim at dumiretso sa balkonahe. Mga ilang sandali lang din ay umupo na siya sa tabi ko.

"Jan..."mahinang tawag niya.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon