xMCB 29x

106K 1.4K 202
                                    

Twenty Nine

Enjoy reading~

xx

September 19

Monday

Joanna Eliza's POV

It's been a week since THAT sleepover. Nandito ako ngayon sa bench sa may hallway. Wala lang. Gusto ko lang magpaka-alone tutal uwian na rin naman e. Ayoko pang umuwi.

"Jan."

Tumingala ako at nginitian ang lalaking kakaupo lang sa tabi ko.

"Nasan ang pinakamamahal kong kapatid? Eww."medyo natawa ako dun a. Mukha pa talaga siyang nandiri sa sinabi niya.

"May pinuntahan siya e, why? Missing him?"pang-aasar ko.

"Tss. Never in my entire life Ms. Montenegro."napangiwi na lang ako. Ganun ba talaga ang galit nila sa isa't isa? Haay.."Bakit hindi mo kasama?"

"Eh bakit ang dami mong tanong?" pagbabalik ko. Ugh. Nagiging maldita na naman ako. Sawa na kasi akong sagutin ang tanong na iyan. Mailap na kasi kaming magkita ni Nathan. Lagi siyang busy. Laging may pupuntahan. Minsan hinahatid niya ko pero madalang lang ang minsan na iyon. Kapag naman tinanong mo kung saan siya pupunta ang isasagot lang,"Somewhere out there." or "Diyan lang."

As if naman alam ko kung saan yung somewhere at diyan na iyon. Ano ako manghuhula?

"Bakit ang sungit?"inirapan ko na lang ito at nag-iwas ng tingin. Somehow may pagkakahawig si Kiejan at Nathan kaya ayokong masyadong tumitig sa kanya. He reminds me of that guy. The guy I love who loves another girl.

Just thinking of that fact makes me hungry. Hindi pa nga pala ako kumakain. Nagugutom na tuloy ako.

"Hungry?"tumango ako sa kanya. I heard him smirked. Not so loud but enough for me to hear it. "Mind to take an hour or two with me? Let's take our early dinner together. Like what we used to?"

Tama siya, like what we used to. Dahil nga magbestfriend kami dati, we used to hang out a lot. Kaya nga di na ko nagtaka na tuwing nagmamaldita na ko or may iniisip na malalim, alam niyang gutom na ko.

"Oo naman. Tara?"tumayo na ako at ganun din naman siya. Kinuha niya ang mga hawak kong libro at pumunta sa parking lot.





"So... Kamusta naman kayong dalawa?"napahinto ako sa pag kain ko pero itinuloy ko din naman na para bang kalma lang pero ang totoo hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Okay naman kami."malumanay kong sagot.

"What I mean is... Kamusta kayo as a couple."medyo mahina niyang saad.

"Ahh. A-Ayos naman, bakit mo natanong?"

"Wala naman. Lagi kasi kitang nakikitang mag-isa umuwi or sina Mich ang kasama mo or yung IH7 pero si Nathan hindi mo masyadong nakakasama."oh-kaaay. Grabe naman 'to. Alam na alam talaga? Pero tama naman siya. Marami na din ang nakakapansin na parang nagkakalabuan kami. Pero ano na nga ba kami? Hindi naman ako dapat mangamba dahil hindi naman talaga kami.





"Jan ang tahimik mo naman, may problema ba?" tanong ni Kiejan. Naisipan naming maglakad na lang pauwi dahil malapit lang din naman ang apartment ko.

Ano nga ba ang problema ko?



Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, bumaba na ko at nagpunta sa sala. Baka sabihin nina Mich, killjoy na naman ako. Nagsleep-over nga daw dito ang mga boys to have fun with us tapos tutulugan ko lang?

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Where stories live. Discover now