xSpecial Updatex

128K 1.9K 79
                                    

Like nyo naman Page ng MCB! :)

1k+ na ang readers!!

xxxxxxxxxxxxxx

August 13

Saturday

Joanna Eliza's POV

"Pumayag ka na kasi." pagpupumilit ni Yhanna.

"No. Yhanna kung anu-ano na pinapagawa mo." kinain ko na lang yung baked mac na niluto ko.

It's been 3 weeks. 3 weeks na puro sakit ng ulo. 

Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Nathan nung gabing iyon, naging close na kami.

Susunduin niya ako sa apartment tapos sabay kaming uuwi. Hihintayin niya ako sa last subject ko then sabay kaming uuwi.

Nagdedate din kami every Thursday or Saturday. Thursday kasi wala kaming pasok. Minsan kapag walang magawa.

Kapag may nakikita kaming friends, or kilala kami, nagpapanggap kami na sweet pero kapag kaming dalawa lang, para lang kaming close friends na naghahang-out.

At dahil dun, nagkaroon kami ng love team sa campus.

Sa Website ng Morgan College may part doon na pinapakita ang mga famous couple. Madami-dami din naman ang nandoon pero kami talaga yung nakakalikom ng sobrang daming likes sa website at sa fanpage namin sa fb.

Yes. May fanpage sa fb at may website din ang pagiging couple namin. Tsk.

"Jan tignan mo may nagmamaktol."tinignan ko yung tinuturo ni Mich.

Nagdadabog si Yhanna na papunta sa kusina.

Ang weird kasi ng pinapagawa nila.

Mula kasi nung naging sikat kami sa campus, nagkaroon na kami ng maituturing kong "fans".

Magugulat na lang kami, pagtingin namin sa fb or sa website ng MC at namin, may mga stolen shots kami na kuha sa iba't ibang lugar na pinupuntahan namin.

Kaya dapat talaga kaming mag-ingat sa pagpapanggap.

Si Yhanna ang laging nauuto ng mga fans. Humihingi sila ng baby pictures namin or pictures namin na sweet kami. Kapag tinatanong yung mga favorite stuffs namin, sa kanya humihingi ng tulong.

Ang kapalit, ililibre nila ito ng ice creams at cakes. Ayos di'ba? Ipinagpalit ako sa sweets. Geez.

Okay lang sana kung ganun lang ang hihingin nila kaso lumala na ngayon.

Gusto nila kaming gumawa ng video na ginegreet at i-interviewhin nila kami. Err.

Freshmen palang kami ganito na. Paano pa kaya sa susunod na year?

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon