xMCB 14x

116K 1.7K 140
                                    

*AUTHOR'S NOTE* IMPORTANT!!!!

Annyeong~

Ang haba ng last update ko no? Hahaha! Hayaan niyo, itatry kong mag-update ng mahahaba basta wag niyong kakalimutan na magvote and comment ha?

Kapag late ang update it means kailangan ko ng inspirasyon kaya sana bigyan niyo po ako ng votes and comments. ^^

Hindi na ako maggagawa ng mga author's note pagkatapos nito kapag importante na lang siguro.^^

Like niyo yung page at pabasa ng second story ko!! =)))))

Salamat sa lahat! Enjoy reading na~

xxxxxxxxxxxxxxxxx 

Chapter 14:

August 29

Tuesday

Joanna Eliza's POV

"Jan tignan mo! Ang daming likes at comments!"lumapit si Mich sa upuan ko at binigay yung iPad niya.

Maaga kaming pumasok dahil magkukwentuhan daw kami dahil na nga rin hindi pa ako bumabalik sa apartment namin. Babalik na din naman ako sa saturday dahil aalis na sina mommy. Sa Vietnam naman sila ngayon pupunta dahil magkakaroon na rin ng M's doon. Si Kuya Jop at Jin lilipat sa bakanteng apartment katabi ng sa amin.

Pinakita ni Mich yung picture namin ni Nathan nung kiniss niya ako.

Kapag naaalala ko yun. Mygahd! 

_ _ _

*chup*

"Kyaaaaaa~"

 

"Sa lips! Sa lips dapat!"

Kiss.

Kiss sa pisngi. Dun lang? Eh bakit parang disappointed ako. Ewan ko sayo dyan!

"Sa lips!"

"I'm sorry but that's too much to ask. My wifey doens't want to be that much PDA."namula ako sa sinabi niya.

_ _ _

 

Tama naman talaga siya. Ayoko magPDA. Di naman kailangan na ipakita pa sa ibang tao ang 'pagmamahalan' niyo. Pasalamat nga si Nathan pumayag pa ko na makipagholding hands sa kanya eh. Pero kung kukunin niya ang first kiss ko, ibang usapan na yon! Ibibigay ko lang iyon sa taong mahal ako at mahal ko!

Disappointed yung mga taong nasa event nung mga oras na yon. May kinikilig naman pero bitin daw dahil sa pisngi lang yung kiss. Naging friendly kiss lang. Pero friends lang naman talaga kami kaso di nila alam 'yon.

"Jan! Jan!"hinihingal na tumatakbo si Kim papunta sa amin. Ano kayang kailangan niya? Ipapakita niya siguro yung picture namin ni Nathan o kaya man, sasabihin niya bakit sa pisngi lang yung kiss.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Where stories live. Discover now