xMCB 31x

107K 1.5K 180
                                    

Chapter Thirty-One

Next Day

September 25

Nathan Nui's Birthday!

Joanna Eliza's POV

"Uy! Nasan sina Zac? Bakit wala pa sila?"sabi ni Mich.

Nandito kami sa malapit sa pool. Inaayos kasi namin ang mga handa ni Nathan.

Napaka-aga naming nagising para dito. Sina Ren at Jin ang bahala kay Nathan. Sinama nila sa bayan kaya naiwan kami dito.

Ang plano kasi namin. Kapag naayos na namin lahat, babalik na sina Ren pero sa dalampasigan nila dadalhin si Nathan. Kunwari gusto nilang makita yung dagat. Magpapaalam sila kay Nathan na tatawagin niya kami para makita rin namin ang dagat (malapit lang kasi at pwedeng lakarin) pero ang totoo iiwanan na nila ito at ako na ang pupunta kay Nathan. Nung una ayoko pero wala e. Mapilit sila. Hmmp.

Ako ang magdadala kay Nathan sa resort para makita niya ang suprise.

"Hindi kaya natutulog pa ang mga iyon?"tanong ko. Kanina pa kasi kami nag-aayos dito at wala pa sila. Ayos yung dalawa na 'yun a.

"Sissy tara puntahan natin sila."aya ni Yhanna sa akin.

"Okay tara. Luke, Charles, Mich at Kiejan, kayo munang bahala diyan, ha?"

"Ayay captain!"-Charles

"Sige kami na ang bahala!"-Luke

"Ayoko! Jan ako na lang isama mo! Uyy!"-Kiejan

Natawa na lang ako kay Kiejan. Kanina pa kasi siya nagmamaktol, bakit daw kasi pati siya dapat mag-ayos nitong party ng Kuya niya.

"Zac! Marco! Yoohoo!"kumatok na kami sa pintuan ng room nina Zac wala pa din sumasagot. Grabe naman matulog ang dalawa na iyon.

Maya-maya bumukas na ang pintuan at uwaw..... May Zombie.

"Omaygahd Zac! Anyare diyan sa eyebags?"sabi ni Yhanna kay Zac. Tumingin ako kay Marco na kasulukuyang nakahiga sa kama nila at natutulog pa din. Anong nangyari sa kanila?

"Jan at Yhanna, pwede bang excuse muna kami? Matutulog muna kami for one hour then lalabas na din kami."matamlay na sagot nito habang bumabalik sa kama niya.

"Ano bang nangyari talaga sa inyo?"tanong ko. Nagpuyat ba sila kagabi? May usapan kaming matutulog ng maaga dahil nga mag-aayos pa kami tapos nagpuyat?

"Sina Kiejan at Nate kasi nagrarambulan kahapon. Di magkasundo. Bubuksan ng isa yung tv. Papatayin naman nung isa hanggang sa mag-away na naman. Hindi tuloy kami nakatulog. Napaka-ingay kasi nila."sabat ni Marco. Ahh, kaya pala.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon