1

223K 2.8K 294
                                    

*C1*

July 19

Friday

Joanna Eliza's POV

"Sissy, huwag muna tayong umuwi sa apartment!" sabi ni Yhanna na halatang excited.

Atlast, uwian na rin. First week pa lang pero hectic na agad. Totoo nga ang sabi ng iba na mahirap talagang maging college student. Maraming ginagawa. Palaging busy.

Pero 'tong mga kaibigan ko pa-easy easy lang. Walang ginawa kundi mag-enjoy sa pagiging teenager.

"Oo nga, Jan punta tayong bar! Hindi ka pa sumasama mag-bar eh. KJ masyado! May nakilala kami dun nung isang araw ni Yhanna. Tatlong boys!" sabi naman ni Mich na nakapout pa. Yes, nakatira kami sa iisang apartment. Bakit? Wala lang. And hindi naman siya katulad ng ibang apartment na maliit lang at siksikan kami. It's like we own it. Hindi naman kasi siya apartment talaga pero dahil nakatira na sa ibang bansa ang nagmamay-ari ng bahay na ito, kami na ang nagvolunteer na magrerent. Gusto lang namin na magkakasama kami. At walking distance lang sa MC (Morgan College).

Tama sila hindi pa nga ako sumasama na magbar sa kanila mula nang lumipat kami sa apartment namin. Dalawang beses na silang nakapagbar ngayong week na ito pero hindi ako nakasama dahil na rin sa may pasok at kakaiba ako kapag nalalasing.

"Oo na sasama na ako."sabi ko habang inaayos ang gamit ko. Hindi naman ako titigilan ng dalawa na ito kapag hindi pa ko pumayag.

Nagtatalon pa sila sa harap ko. Kahit kelan talaga hindi na sila nagbago. I guess they left me with no choice. Mas gusto kong sumama kaysa marinig pa ang mga sermon nila na napakasimple lang ng buhay ko at napaka-ordinary. Eh ano bang magagawa ko? Kagustuhan ko ang ganitong klaseng buhay.

Who am I? I'm Joanna Eliza Montenegro. But I prefer to be called as Jan. Joanna Eliza is too girly. A 1st year Business Administration Student from Morgan College.

Yung mga kausap ko kanina ay ang mga bestfriends ko. Katherina Michelle Morgan at Aryhanna Luisa Gomez.

Mabuti na lang at nakapagpalit kami ng damit dahil sobrang init ng suot ko kanina. Sila Mich kasi ang may-ari ng school kaya naman nagawan niya ng paraan na magkaroon kami ng sariling room na pwede naming pagtambayan. Buti na lang din at sa room na 'yun may mga damit si Mich na kasya sa amin. Tank top at shorts ang suot ko.

Dapat nakapants ako eh! Mapilit lang talaga 'tong dalawa na 'to. Masyado naman daw kasi akong balot. Ugh. Mas komportable akong naka-pants kesa sa nakaganito feeling ko lahat ng madadaanan namin sa legs nakatingin at ayaw ko ng ganun. I hate crowds and I hate getting some attention from others.

"Bar ang pupuntahan natin hindi park." Pagtataray ni Mich. Edi sige na, papayag na.

Pagdating namin sa bar, marami-rami na rin ang tao. Sa harap palang makikita mong maganda talaga ito at magarbo.

"Hello boys!" Sigaw ni Mich sa dalawang lalaki na nakaupo sa malaking table. Masasabi kong gwapo sila. Matatangkad at makikinis ang balat. Mukhang mayayaman.

"Wait you're Mich, right? Di ba ikaw yung kasama namin nung isang araw dito sa bar ni Jin?" Tanong nung isang lalaki na naka blue shirt.

"Yup ako nga Marco! Kay Jin pala ito?"

"Yup, this is mine. Uy, hi Yhanna! Come and join us girls." Pag-aya ni Jin?

Umupo naman kami sa table nila. Katabi ko si Mich na katabi naman ni Marco. Samantalang katapat naman nila sila Yhanna at Jin.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon