xMCB 8x

126K 1.9K 215
                                    

xxxxxxxxxxxxxx

Chapter 8:

August 18

Friday

Third Person's POV

Kauuwi lang galing eskwelahan nina Jan at Nate. Maraming araw na din ang dumaan mula nang malaman ni Jan na malapit na niyang makita ang kapatid niya.

Ang bunso niyang kapatid.

Walang kahit na sino ang nakakaalam na may bunso siyang kapatid maliban sa mga naghahanap, sa pamilya niya at sa kanya.Hindi nila ito ipinagsabi dahil baka itago lang siya ng mga kumupkop sa kanya kapag nalaman na ipinapahanap siya.

Si Macky.

Ang kapatid niyang sanggol pa lang mula nang mawala. 1 year old palang si Jan mula nang nawala ito.

Tanging isang medyas lang na walang pares ang ala-alang meron siya sa nawalay na kapatid.

Kahapon, kinausap siya at ang mga magulang niya ng mga imbestigador na naghahanap kay Macky. Sinabi nito na nahirapan na naman silang maghanap dahil bawat ebidensiya na nalilikom nila ay tila naglalaho bigla. Mukhang alam na ng pamilyang kumupkop kay Macky na pinaghahanap na siya. Nang maalala na naman niya ang sinabi kahapon sa kanya, napayakap na lang siya sa tuhod niya at isinandal ang ulo doon.

Nasa tabi niya si Nate na tila nararamdaman na malungkot ang kasama.

Kahit naguguluhan ang binata sa mga impormasyong nalaman niya tungkol sa pagkakaroon ng bunsong kapatid ng dalaga at sa pagkawala, hindi na niya nagawa pang magtanong tungkol rito. Alam niyang hindi ito ang tamang panahon para sa kanya na magtanong.

Nasa balkonahe sila ng kwarto ni Jan. Ayaw umuwi ni Nate dahil nag-aalala siya sa dalaga. Palagi na lang kasi itong tahimik at ang lalim ng iniisip. Dahil sa hindi na makayanan ni Nate ang makitang malungkot ang peke niyang kasintahan at ang katahimikan na bumabalot sa kanila tuwing wala silang kasama, kinuha niya ang kamay ng dalaga.

Ikinagulat ito ni Jan. Hinatak lang siya ng binata palabas ng bahay at isinakay sa kotse. Walang kaalam-alam si Jan kung saan siya dadalhin nito.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon