xMCB 3x

148K 2.3K 295
                                    

Chapter 3:

July 21

Sunday

Joanna Eliza's POV

"Ito na lang, wag yan." Tinulak niya ako papunta sa fitting room. Napaka bossy niya talaga! Nandito kami sa Mall. Date daw eh. Date ba talaga 'to? Geez. Napaka-boring naman pala ang makipagdate.

Nakapants lang ako at blue shirt. Siya naman nakablack at naka pants din.

Mula kanina di na kami magkasundo. Yung gusto kong tshirt, pinapalitan niya nang dress. Katulad ngayon, may nagustuhan akong tshirt, ayaw niya. Akala mo naman siya pagbabayarin ko.

Sa kanya lang pabor ang kontrata eh. Ginawa niya kong slave. Siya nga pala ang gumawa ng kontrata. Malamang sa kanya papabor 'to. Pero hindi naman nakasulat doon na gawin niya akong slave eh.

Lumabas na ko ng fitting room. Nakita ko naman siyang patango-tango habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"We'll get it." sabi niya at pumunta sa counter at siya ang nagbayad. Buti naman at siya nagbayad dahil ayokong magsayang ng pera maliban na lang kung yung gusto kong shirt ang binili namin.

"Eliza magpalit ka na. I'm hungry." Argh. Bakit ba pilit niya kong tinatawag na Eliza? I hate it! Napaka-girly masyado. Hindi ba niya magawang tawagin akong Jan na lang?

Pumasok na lang ako sa fitting room at nagpalit na katulad ng sinabi niya.

  

Kung hindi Eliza ang tawag niya sa akin, wifey. Kung hindi wifey, Eliza. Ughh. Nakakayamot lang talaga.

  

xx

"Let’s eat here.” pumasok na kami sa isang seafood restaurant dito sa mall. Hindi na ako nagcomplain pa. Nakakasawa kayang makipag-argue sa bossy na tao. Umupo kami sa isang bakanteng upuan.

Lumapit sa amin ang waiter at tinanong kung anong oorderin namin.

 Siya na ang namili ng kakainin ko dahil hindi ko alam kung anong oorderin ko, first time ko kasing kumain dito kaya hindi ko alam kung anong specialty nila dito.

Oo nga pala. May gusto nga pala akong itanong sa kanya buti na lang walang masyadong taong malapit sa table namin kaya pwede kong i-open up.

"Pwede ko bang makita ulit yung kontrata? Di ko pa nababasa lahat eh." Parang pinag-isipan niya muna kung pagkakatiwalaan niya ako kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. What the? Babasahin ko lang ayaw pa?

 Binuksan niya yung wallet niya at kinuha yung nakatuping papel at binigay sa akin.

I Joanna Eliza Montenegro will be the contract girlfriend of Nathan Nui Lee until we succeed on our mission. I will also obey him and do whatever he wants.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon