xMCB 12x (Part One)

117K 1.6K 86
                                    

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 12( Part One):

August 24

Thursday

Joanna Eliza's POV

Ang buhay ng tao, walang script. Hindi mo malalaman kung ano bang takbo ng buhay mo. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari, at kung anong pwedeng mangyari. Hindi ka pwedeng umatras kung ang papel na ibinigay sa'yo ay hindi mo kayang panindigan.

Tama nga siguro sila, dumarating ang mga bagay-bagay kung kelan hindi mo inaasahan.

At ito ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko man lang nahalata na siya pala ang taong hinahanap ko. Siya pala ang kapatid ko.

"Mauna na ako ha? Bye!" niyakap niya ako.

Siya nga. Siya nga ang kapatid ko. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Sigurado ako, siya nga.

Lumabas na sila at kanya-kanyang nagsakayan sa kotse nila.

Macky.

Macky salamat naman at nakita na kita.

xx

"Sissy gumising ka na please!"

Minulat ko ang mga mata ko. Tatlong mukha ang nasa harap ko. Sina Mich, Yhanna at Nathan.

Macky.

Si Macky.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon