22nd Drop: Hesitation

4.2K 72 3
                                    

CHAPTER 22

*********
RYUZAKI

"Papayagan kong ikaw ang magbantay sa misyon niya. Basta hindi ka magpapakilalang ikaw ang best friend nya. Iibahin ko ang itsura mo sa paningin niya."

Alam na ni Alliah kung ano at kung sino talaga ako sa buhay nya. Alam niyang ako ang best friend niya.

Alam kong may mali dito. Anong oras mula ngayon, alam kong paparusahan ako sa pag-amin kay Alliah kung sino ba talaga ako.

Syempre, may kaba. Hindi ako sanay na sumusuway sa utos pero anong magagawa ko? Meron parin akong utak na pang mortal. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko, kaya pa'no?

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung gano kahirap o kung gano ka-grabe ang magiging kaparusahan ko. Pero handa na ko.. sa tingin ko.

Ayaw pang bumalik ni Alliah sa katawan niya. Pilitin ko man, hindi ko rin siya masisisi.

Ayaw ko nang makaramdam pa siya ng sakit o ng anomang sama ng loob dahil sa ginawa ni Drake sa kaniya.

Pero naniniwala akong hindi sapat na dahilan ang mga sakit na nararamdaman niya ngayon na dulot ni Drake para maisipan niyang mamahinga.

Hindi sagot ang kamatayan para tuldukan lahat ng sakit, magbubunga lang din 'to ng sakit sa iba.

Napayuko nalang ako.

Narito ako ngayon sa itaas ng puno sa Land of Chances at kasalukuyang humahanap ng kasagutan sa libo-libo kong katanungan.

*Poof!*

"Light, Para kang pinagsakluban ng ugat ng kamote ah. Ano ba'ng problema?"

God, ano po ba? Sabi ko po kasagutan eh. Bakit kosumisyon ang binigay Mo sa'kin?

Napabuntong hininga nalang ako.

"Grabe ka naman, hindi ako konsumisyon ah." sabi niya at nag pout pa.

Tss. nakalimutan kong may ability nga pala kaming makabasa mag isip. Pero totoo naman, konsumisyon siya.

"Alam mo, Nakakasakit ka na." Sabi niya at inirapan ako.

Siya si Sasha at oo, parehas kami. Kami ay tinatawag na watcher. Pag may mga kaso na katulad ng kay Alliah, kami ang pinagbabantay at tumutupad ng mga duties para sa mga mortal na gusto pa at may chance pang mabuhay.

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"I herd you, sighing kaya dali-dali akong pumunta dito."

Ang thoughtful naman. Sa totoo lang hindi ko inaasahang pupunta siya dito para kausapin ako kasi alam kong may misyon din siyang binabantayan. Sa ngayon, ang gusto ko lang naman ay makakausap pero hindi ko alam kung paano mag sisimula. Hindi ako umimik  at itinuon ang aking atensyon sa ibang bagay.

"Si Alliah diba?"

"Oo."

"Nangangamba ka kung anong parusa ang ipapataw sayo."

"Oo ulit."

"Alam nating dalawang mahal mo siya higit sa isang kaibigan. Gagawin mo ang lahat para sa kan'ya hindi ba?"

I nodded. "Kaya nga handa na kong gawin ang kahit anong kaparusahang ibabato sa'kin eh."

"Kahit ano?"

"Oo."

"Naiintindihan ko naman. Kaso marami lang talagang mga bagay na hindi para isa't isa at isa na kayo ni Alliah do'n. Dapat tanggapin mo yung katotohanan na tapos na ang istorya ninyong dalawa– matagal na. Simula 'yon no'ng araw na nagdesisyon kang dugtungan ang buhay niya, kapalit ng sa'yo. Alam kong alam mo 'yon." 'yun lang ang sinabi niya at umalis na.

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now