6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!

6.8K 116 6
                                    

CHAPTER 6

DRAKE

Natutuwa ako at naging maayos na kami ni Lian (Alliah) ngayon.
At least kahit papaano nagawa kong mapagaan ang loob niya pero hindi ko maipapangako na kakayanin ko na agad siyang mahalin agad agad.

Aaminin kong wala parin akong nararamdaman para sa kaniya. Kung tatanungin, gusto ko na munang mag-umpisa ulit para (kung sakali) ay makapag build ng magandang bond sa kaniya, bilang asawa ko.

Dahil diyan, naisip kong mag out na muna sa work ko (wala na rin naman akong gagawin sa ngayon dahil tinapos ko 'yon no'ng nakaraang gabi) napag desisyonan kong magpunta sa mall para bumili ng pangregalo sa kaniya.

Pambawi manlang sa kabullshitan ko.

Napansin ko kasi na hindi talaga mahilig lumabas ng bahay si Lian, at umaalis lang siya ng bahay kung may bibilhin kaya naisip ko na sa bahay nalang ako nag set up ng dinner para sa'min.

Naisip ko rin na bumili ng bagong damit at sapatos sa kaniya. Alam ko naman na hindi agad 'yon magagamit ni Lian pero alam ko na kapag ginamit niya yon, maaalala niya ako.

Pagkarating ko sa mall, dumiretso ako agad sa bilihan ng damit at sapatos.

Agad nakapukaw ng pansin ko ang maxi dress na kulay blue na nasa gilid ng store. Palagay ko bagay kay Lian 'to kapag nag outing kami. After kong kunin 'yon, pumunta ako sa men's apparel at naisip kong mamili ng necktie nangagamitin ko sa dinner namin.

Saktong nando'n si Ritz at namimili rin ng necktie.

Lumapit ako sa kaniya at bumati.

"Wow! What a coincidence," sabi niya

"Yep, nag punta lang ako dito para bumili ng regalo sa asawa ko," sabi ko

"Ow, so nice! Ano? Nakapili ka na?" Excited niyang tanong.

"Yeah," sagot ko "ikaw ba? Bakit ka nandito?" Sabi ko as I grab a necktie.

"Naghahanap ako ng susuotin ni Braire sa acquaintance party nila and I found it very hard," medyo frustrated niyang sabi

"Ohh finally, I found one!!" Sabi niya at pinakita sa'kin 'yung necktie na may spongebob design sa ilalim.

Binigyan ko lang siya ng are-you-fucking-serious-look at natawa naman siya. Napatawa na rin ako.

I missed her so much but I can't be with her anymore so I just want to enjoy our moments together habang meron pa.

"D-Drake?" Rinig kong boses mula sa likod ko.

Lumingon ako and on my surprise, its Alliah.

"L-Lian?!"

Fuck. Makikita niya 'yung binili ko sa kaniya.

Argh! This is not the right time.

Nagulat ako nang bigla nalang umagos ang luha niya habang natingin sa'kin. Hindi ko mabasa kung ano'ng nasa isip niya ang alam ko lang, malungkot siya. Sobrang lungkot.

Napatingin siya kay Ritz.

Ah, gets ko na. Akala niya nakikipag date ako kay Ritz.

Hurt Me To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon