4th DROP: HE FORGOT

6.6K 128 21
                                    

CHAPTER 4

ALLIANAH

I have died everyday waiting for you
darling don't be afraid I have loved you
for a thousand years, I love you for a thousand more~

11:30 PM

Anong oras na pero 'Di pa rin dumadating si Drake. Nasa'n na kaya 'yun? Nag overtime ba siya ulit?

Kanina pa ko nag hihintay sa kanya. Wala ba syang balak umuwi?

11:32 PM

May 28 Minutes pa naman bago matapos ang araw na 'to.. sana makaabot s'ya.

Sabi ko naman sa kaniya na agahan niya umuwi.

Pero isipin mo nga, hindi nga pala siya nakinig sa'kin kanina. Instead, nagalit pa siya at tinanong kung bakit kailangan niyang umuwi nang maaga.

Anniversary kasi namin ngayon. 3 years na kaming kasal pero mukhang hindi niya naalala 'yon.

At halata namang hindi n'ya naalala.

Pero umaasa ako na kahit hindi n'ya iyon naaalala at least, maka uwi lang s'ya ng maaga.

I'm so dumb for preparing foods for the two of us. Umasa pa 'kong maaalala nya. 'Di ko naisip na hindi nga naman mahalaga ang araw na to sa kanya.

Ito din kasi ang eksaktong araw kung kailan sya natali sakin. Ang araw kung kailan nalayo s'ya sa babaeng mahal n'ya at kinasal sa babaeng hindi n'ya kilala.

The memories last two years are still fresh in my mind. The day of our wedding.. Ramdam ko ang pait sa bawat tingin at sulyap nya sa'kin while I'm walking down the aisle.

Parang sinasabi niya na "huwag kang tumuloy hanggang dito sa dulo, hindi ikaw ang gusto kong mapangasawa."

Yung mga mata na walang ibang ibig iparating kundi ang galit at poot. Hindi sya masaya at alam ko iyon.

Naaawa ako sa kanya, alam naming pareho na hindi namin mahal ang isa't isa but we stuck in this damn situation and there's no way out.

Sa harap ng Pari at sa harap ng maraming tao ay nag sabi kami ng 'I do' sa isa't isa. We made our vows and promises, but those are just lie.

Yes, that day we made people to believe on us.. but not ourselves and of course, God.

Alam namin sa sarili namin ang totoo. Lahat ng iyon ay kasinungalingan lang..

God knows, kung gaano kahirap sa pakiramdam ko ang magpanggap sa harap ng mga tao na masaya ako, na ayos lang ako.

Ito ba ang deserve kong happy ending? Ni hindi manlang nga happy eh.

11:45..

15 minutes nalang.. tapos na ang araw na 'to.

Pero sa loob ng 2 years na pag sasama namin ni Drake, akala ko hindi mag babago ang nararamdaman ko. Akala ko hanggang sa dulo ay mapapanatili ko ang sarili kong 'di s'ya mahalin.

at akala ko lang iyon.. Si Drake.. Hindi n'ya 'ko minahal pero bakit ganun? Nahulog ako sa kan'ya.. Ganoon na ba ako katanga?

Mula ng araw na iyon, ipinangako ko sa sarili kong hindi ko s'ya mamahalin dahil ako lang ang masasaktan sa huli. Pero hindi ko kayang mapasunod ang puso ko at nauna parin ang isip ko.. minahal ko sya, at heto ako ngayon.. ako ang talo, ako ang kawawa.


Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now