18th Drop: Hugs

4.2K 77 3
                                    

CHAPTER 18

ALLIANAH

Di ko na kaya pang pigilan ang luha ko.

Agad akong humiwalay sa katawan ko kahit gusto ko pang yakapin si Drake.

Humiwalay ako para umiyak. Di ko na talaga kayang pigilin ang luha ko. Patuloy itong umaagos at patuloy ko din naman itong pinupunasan gamit ang kamay ko.

*Pooof!*

"Alam mo bang dapat wag mo munang punasan ang luha mo kung alam mong di ka pa tapos umiyak?" Sabi ni Light habang papalapit sakin.

" Bakit naman?" Tanong ko.

"Diba ang luha ay bunga ng sakit na nararamdaman natin? Hayaan mong pumatak ito sa lupa o sa lapag. Hayaan mong maiwan at mabaon na ito doon sa limot. At kapag natapos ka ng umiyak at alam mo nang hindi ka na ulit iiyak, punasan mo yung mata mo. Dahil pag ginagawa mo yun parang sinabi mo na ding.. 'kaya kong bumangon pag katapos kong madapa' " sabi ni Light.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. "Salamat.." sabi ko.

Umupo sya sa tabi ko. "Sige, iiyak mo lang yan." Sabi nya habang naka ngiti. Inakbayan nya ko at ipinatong ko naman ang ulo ko sa balikat nya.

"You know, you really reminds me of Ryuzaki." I whispered.

"I have something to tell you, Allian.."

DRAKE

"Alliah.." yakap ko parin sya hanggang ngayon. Kahit manlang sa pagyakap ko, matulungan ko syang maibsan ang sakit na nararamdaman nya.

Bumagsak ang kamay nya na kanina ay naka kapit sakin.

"Alliah...." humiwalay ako sa pagyakap ko sa kanya at sinilip ko ang mukha nya. Nakapikit ito at tila walang buhay. Malamig ang mga kamay sya at maputla na ang kulay nya.

"Alliah!!!" Binuhat ko sya papunta sa kwarto. Pinakiramdaman ko kung may tibok pa ba ang pulso nya.

Dug...  Dug...  dug...

Napakabagal ng pag tibok nito. Anong gagawin ko??

Agad akong tumawag ng doctor. Maya  maya pa at dumating na ito sa bahay. At agad naman nyang sinuri si Alliah.

Matapos ang isang oras na paghihintay pumasok ang doktor sa kwarto kung nasan kami ni Alliah. Nandito ako sa tabi nya.

Sinabi ng doktor na wala naman daw masamang ibig sabihin ang pagkahimatay nya. Nangyari lang yun dahil masyado daw ito stressed.

I felt relieved. Akala ko may masama nang nangyari kay Alliah. Ayoko syang mawala.. gusto ko pang bumawi sa lahat ng ginawa ko sa kanya.

Araw araw kong ginagawang impierno ang buhay nya. Ginawa ko syang katulong, utusan at taga sunod. Ni minsan di ko sya tinuring na asawa. Lagi ko syang sinisigawan.. lagi ko syang nirereject.

Pero anong sinabi nya? Nagreklamo ba sya? Sinabi ba nyang sumusuko na sya?

Lalo akong sinapak ng konsensya ko nang maalala ko ang sabi nya sakin kanina..

"I understand. You're the owner of company kaya ikaw ang incharge at responsible doon. Im not mad at you, Drake. Dont think that I am. Alam kong yun ang dahilan kung bakit di ka naka uwi ng maaga."

Buong akala nya nasa office ako. Hindi nya alam na kasama ko buong mag damag si Ritz at may nangyari saming dalawa.

Hindi ba sya nagtaka kung bakit alas syete na ko naka uwi ng umaga? O baka naman ganon nalang ang tiwala nya sakin? God, bakit ba binigay nyo sakin ang taong to? Hindi ko kayang ibalik sa kanya lahat ng mga binibigay nya sakin.. hindi ko kaya.

I felt like a dumb.

Sana kaya ko syang mahalin.. sana kaya kong masuklian ang mga ginagawa nya para sakin.

Bigla nalang tumulo ang luha ko.

Bakit ganon? Sabi ng utak ko, mahalin ko sya pero ba't parang kontra don ang puso ko? Bakit? Hindi ko maintindinhan.

"Alliah, Im so sorry.. Im sorry.." paulit ulit kong sabi sa kanya habang patuloy parin ang pag patak ng luha ko sa mga kamay nya.

ALLIANAH

"I have something to tell you, Allian.."

"A-ano yun?"

"Uhhmmnn..." nagpatingin-tingin sya sa paligid. "Ehh.. ano.."

"Ano nga??" Tanong kong muli sa kanya.

Pero imbis na sumagot sya lumapit sya sakin at niyakap nya ko. Pumikit ako at nagpaka wala ng isa pang patak ng luha.

"Ako si Ryuzaki.."

DRAKE

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa study room ko.

Agad akong tumungo sa book shelve kung nasan naka lagay ang mga photo album.

Agad na pumukaw ng atensyon ko ang photo album ng kasal namin ni Alliah.

*Our Wedding Day*

Sa unang page naka lagay ang wedding photo namin.

Napangiti ako. Ito yung original na copy. Hindi punit yung part kung nasan si Alliah. Kitang kita yung malapad na pag ngiti nya. Mukhang napaka saya nya.

Siguro kung hindi ko kilala si Alliah, iisipin kong masaya sya sa kasal namin sa sobrang saya ng mukha nya. Pero hindi eh, alam kong malungkot sya, kita yun sa mga mata nya.

Ngayon ko lang na-realize. 2 years na kaming mag asawa ni Alliah pero madami pa akong hindi alam sa kanya.

*Eh kasi hindi mo sya kinikilala* — Isang Familliar na boses ang narinig ko.

Wala naman akong kasama dito. Sino yun? Ahh. Baka naman nag hahallucinate lang ako.

Itinuon ko muli ang pansin ko sa album.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang ayaw huminto ng kamay ko sa pag lipat ng bawat page nito. Parang may hinahanap ako pero di ko alam kung ano yun.

Nang makarating ako sa isang page, tsaka ako napahinto at tinignan ko ng maigi ang picture na yun.

Oo nga! Napaka bobo ko!! Bakit hindi ko manlang inisip yun?! Ang tanga ko!!

To Be Continued

Hurt Me To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon