16th Drop: Love you

4.3K 91 2
                                    

CHAPTER 16


ALLIANAH

Minulat ko ang mata ko. At agad na bumungad ang kisame ng kwarto ko, naka balik na ba ko sa katawan ko?

Lumungon ako sa gilid ko at nakita ko si Drake na nakaupo habang naka hawak sa kamay ako at nakadukdok sa kama ko.

Basa ang kamay ko na hawak nya.

Umiyak ba sya??

Bumangon ako para tignanan sya. Sinilip ko ang mukha niya. Napaka payapa nito, mukha syang anghel.. anghel na ginawang impierno ang buhay ko.

Umiyak nga siya. Pinunasan ko ang mata niya at kinumutan.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'to. Naguguluhan din ako. Bakit siya nandito at binabantayan ako?

Parang uminit nanaman yung gilid ng mata ko. May mga luha nanamang nagbabadyang umagos mula sa mata ko.

Huminga ko nang malalim.

'Di na ko pwedeng umiyak, gusto ko pang mabuhay.

Habang pinagmamasdan ang natutulog na si Drake, 'di ko maiwasang isipin kung saan sya nagpunta kagabi. Hindi s'ya tumupad sa pangako nya, saan kaya s'ya galing?

Hinaplos ko ako buhok nya.

"Drake, saan ka ba nagpunta kagabi? Alam mo, hinintay kita.." mahina kong sabi sa natutulog na si Drake. "Bakit 'di ka umuwi? May problema ba sa opisina? Okay lang naman kung ganon, pero sana manlang nagpasabi ka. 'Di naman ako galit."

Huminga ako ng malalim para hindi maiyak.

"Bakit ganun? Sa ibang bagay nakakapag laan ka ng oras pero sa'kin na asawa mo, wala kang maibigay kahit ga-patak."

" Ang unfair 'no? Bakit ganon? Alam kong kaya mo namang gawin yun sa iba pero bakit sa'kin, hirap na hirap ka?" Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

"Okay lang Drake. Kasalanan ko din naman eh. Umasa akong kaya mo kong mahalin. Umasa ako, ang ending? Ayun! Nasaktan ako." Patuloy ko paring hinahaplos ang buhok nya.

"Ewan ba. Alam ko namang di mo ko mahal eh. Pero ba't ang sakit parin?? Ang sakit lalo na pag nag mumukha lang akong tanga. Pero mahal parin kita kahit ang sakit na nito." Sabi ko sabay turo sa puso ko.

"Alam mo, nahihiya ako sa may ari ng puso na gamit ko ngayon.. masyado ko kasing inaabuso yung puso nya.. lagi nang nasasaktan." I bit my lower lips para di ako maluha.

"Haha!! Okay lang Drake.. Tanggap ko naman eh. Tsaka kasalanan ko din.." sabi ko at yumuko.

Tumayo ako sa kama ko. Kinuha ko yung kumot at binilagay yon sa balikat nya dahil di ko naman sya kayang buhatin papuntang kama.

Sinilip ko ang mukha nya. Hinalikan ko sya sa noo ..

Masakit, oo.. masakit. Pero mahal kita eh. Kaya ko naman sigurong umiyak hanggang sa mamatay ako, mapakita ko lang na mahal kita. Baka sakaling mahalin mo na ako pag wala na ko sa mundong to.

Isang yakap lang ang ibinigay ko sa kanya at lumabas na ko sa kwarto.

DRAKE

I opened my eyes when I hear the door closed. I took a deep breath to stop myself from crying, but It didn't work.

Nakaramdam ako ng init sa mata ko, hinalikan n'ya ko sa noo kahit na hindi ko tinupad yung pangako ko.

Alliah, I'm sorry.. Maybe its the time for me to love you..

--*To be Continued**--

Hurt Me To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon