21st Drop: Flash Back

4.1K 79 9
                                    

CHAPTER 21

************
DRAKE

Patuloy paring bumabalik sa alaala ko 'yung mga tahimik na pag-iyak ni Alliah.

Nadudurog ako pero alam kong mas nadudurog siya.

Ang dami ko nang naidulot na sakit sa kaniya. Ngayon, naisip ko na ang selfish kung pipilitin ko pa siyang gumising. Kung ang ibig sabihin ng kamatayan ay pagpapahinga, mauunawaan ko kung 'yun ang pipiliin niya. 

*I love you, Drake. Regardless of the pain, of what you've done. I love you.. *

Bigla kong naalala ang sabi na yun ni Alliah that day...

FLASHBACK

It was a business gathering, a celebration of 35th foundation of our company. Syempre nandito rin si Dad, dahil siya ang owner.

It was a formal pool party na ginanap sa isa sa mga hotel na pagmamay-ari namin.

*ring.ring*

"Hello, mom?" - I answered the phone.

(Drake, honey?)

"Yes, mom?"

(Nasan ka na?)

"Nasa bahay pa, mom. Why?"

(The program will start at 8:00. Its already 7:10, dont be late honey, okay?)

"Yes mom. I'll be there at 7:45."

(Good. Dont forget to bring Alliah with you huh? Did you receive the package?)

"H-huh? Uhhmmn.. yes mom."

(Ipasuot mo yun sa kanya, okay? Im sure, she will be the hottest woman in the party.) She chuckled. (So, I'll wait for you okay?)

"Yeah mom. Bye."

Then I end the call.

What the hell is she thinking? Ayokong dalhin si Alliah sa party na yun. She's a shame! Nakakahiya siyang dalhin dun. Mamaya, sabihin pa nilang ang tanda ko na pero may yaya parin akong dala. 

Bumaba na ko sa sala at nakita dun si Alliah na nag lilinis.

The hell with her? Mas maganda pang pumorma sa kaniya si Grandma. Sa itsura niyang 'yan na may hawak pang basahan, pagtatawanan lang ako pag sinabi kong asawa ko siya.

"Oh, Drake? Tapos ka na palang magbihis? Hmmnn.. may malaking box dito eh," she said at pumunta sa sofa kung nasan yung box. "I wonder kung anong lama-"

Akmang bubuksan nya yung box pero pinigilan ko sya

"Dont you dare to open than f*cking box!!!" I yelled.

Napatigil naman nya, yumuko at nakita ko ang pagnginig ng katawan nya.

Ilang saglit pa, iniangat nya ang ulo nya at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

"Ahh, ganun ba?" She whispered pero good enough para marinig ko. " Naku, Sorry. Ah! Oo nga pala, di ka muna ba kakain bago umalis?" Tanong pa nito.

Napatulala naman ako sa kaniya. Nanggigilid na ang mga luha sa mata niya pero mas pinili niyang ngumiti sa'kin pagkatapos ko siyang sigawan. Ngayon ko lang napansin na ang putla na niya, tuyo na ang labi at ang lalim na ng mata.

Ano ba'ng ginagawa niya?

Nilapitan nya ko at inayos ang necktie ko. I automatically slap her hands, hindi ko rin alam kung bakit pero bigla ko nalang nagawa 'yon.

Hurt Me To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon