14th Drop: PROMISE BREAKER

5.3K 91 10
                                    

CHAPTER 14

ALLIANAH

'Di parin mawala sa isip ko 'yung panaginip ko tungkol kay Ryuzaki or should I say.. alaala?

Kamusta na kaya yung best friend ko na 'yun? 'Di na 'ko kinakamusta.. kala niya ata 'di ko siya na-miss.

Pero teka nga, speaking of panaginip..

'Di ba tulog ako nung nanaginip ako? Eh bakit kaya hindi nahiwalay 'yung kaluluwa ko sa katawan ko that time? 'Di ba tuwing nakakatulog ako, dapat nag aastral travel ako? Dapat nahiwalay ako sa katawan ko the moment na nakatulog ako. Eh bakit hindi gano'n ang nangyari? Instead, nakatulog ako at nanaginip pa.

*Poof!*

"Tsk! Ang dami mo namang tanong." Biglang sumulpot si Light sa harap ko habang kumakamot sa tenga niya.

Oo, malamang niyan narinig niya 'yung thought ko.

"Eh bakit ba tuwing sumusulpot ka lagi kang nagrereklamo?" Inis kong tanong.

"Tss.." 'yun lang yung sabi nya. Seriously? Bakit wala pa siya sa hell?! Ang sungit niya!!

"So, ano nga? Bakit ako nanaginip instead ba mag astral travel?"

"Nangyayari yung case na 'yun kapag na aalala ka ng taong napanaginipan mo." Sabi niya.

"So it means, naalala ako ni Ryuzaki?" Ang lapad ng ngiti ko nang marinig ko yun.

"Siguro,"

"Ayy!! Pwede ko bang malaman kung nasan sya? 'Di ba alam mo 'yung mga nangyayari dito sa lupa? So ibig sabihin alam mo kung nasa'n siya?" Super excited na kong malaman.

Huling kita ko kasi sa kanya eh nung bago ako magapa-heart transplant. Ang sabi niya dapat akong maging malakas sa heart transplant na 'yon dahil kapag tapos no'n magsi-sine kami– LIBRE NIYA! Pero after no'n, 'di ko na siya nakita kasi sabi ni Mom sinama na daw si Ryuzaki ng parents niya sa Japan. Biglaan daw kaya naman 'di na siya nakapagpaalam sa'kin. Feeling ko tumatakas lang siya sa panlilibre n'ya sa'kin.

Medyo natagalan din kasi bago ako makarecover mula sa heart transplant kaya baka hindi na rin siya nakapag hintay.

"Siguro kung malaman mo kung nasa'n yung eksaktong lugar niya ngayon, matutuwa ka." Sabi ni Light habang nakangiti– 'Yung ngiti na natutuwa.

"Talagang matutuwa ako. Kaya tinatanong ko nasa'n nga siya?"

"'Di ko kasi pwedeng sabihin sa'yo eh." Medyo napaisip siya bago muling nag salita. "Pero siguro kung naririnig ka niya, malamang masaya rin siya ngayon." Paninigurado pa ni Light.

"Tingin mo?"

"Oo naman,"

"Kaso hindi niya naman ako kinakamusta o tinanong manlang 'yung lagay ko. Matagal na kaming 'di nakakapag-usap. Tingin mo, naaalala pa kaya niya ako,"

Muli, napansin kong napaisip siya.

"Sisiguraduhin kong makakarating 'to sa kaniya at sisiguraduhin kong maaalala ka niya,"

"Talaga? Gagawin mo 'yon?"

"Oo, naman. Maliit na bagay."

Wow. At sobrang confident niya ah.

"Ehh, teka.. pa'no?"

"Sa panaginip din."

"Posible palang makapag-control ka ng panaginip?"

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now