7th DROP: MY CHANCE

6.4K 114 9
                                    

CHAPTER 7

ALLIANAH

"Oh well.. may isa pa namang paraan para mabuhay ka pa."

Kuminang yung mata ko.

Spill it naaaaa please! I badly need an answer!!

"Pero hindi gano'n kasimple 'yun."

"Bakit.. ano ba 'yun?"

He sighs.

" Hindi ako umaasang magagawa mo 'yun. Kaya 'wag mo nang pahirapan pa 'yang sarili mo."

"Eh ano ng---" di pa ko tapos, nagsalita na siya.

"Mamamatay ka din naman eh.."

"Teka ano b---" nakikinig ba sya?

"Mahihirapan ka lang.."

"Sinabi ko ano b----" oo, pakinggan mo 'ko

"At pati ako, abalahin mo"

"EH ANO NGA BA KASI YUN??!" sigaw ko.

Nang didiscourage na s'ya eh 'di pa naman nya sina sabi 'yung gagawin ko. Saka bakit ba siya nangjujudge? Bakit puro weakness ko lang yung sinasabi niya?

Kala ko ba kilala niya ako and yet, he's just saying my flaws and weaknesses. Hindi lang naman ako nabuhay para maging vulnerable at mahina. May strength din ako at kung kilala niya talaga ako, alam niya 'yon.

"Eh bakit ka ba naninigaw?!"

"Di mo kasi ako pinapatapos sa sasabihin ko! Puro ka sabi ng sabi ng kahinaan ko. Ga'no mo ba ako kakilala? Are you with me when I was a child?? How dare you to put an end to my life eh hindi mo nga ata alam 'yung pinaglalaban ko?" Mahaba kong reklamo.

Yes, I am raising an argument here. Hindi ito makatao-- or maka-espiritu.

Mukhang natauhan sya kaya umayos siya ng tayo at mukhang may sinabi pero hindi ko 'yon narinig.

"Aheem. Uhhmmnn.." tumingin siya sa papel na hawak nya. "Sigurado ka bang gusto mo pang mabuhay?" Sabi niya sabay tingin sa'kin.

"Kanina ko pa sinasabi, ikaw lang ang may ayaw tumanggap ng sagot ko." Masungit kong sagot.

"Hindi 'yun gano'n kadali." Heto nanaman kami.

Ang laking tulong ng pagiging pessimistic niya. Seriously?! Bakit sa kaniya pinagkatiwala ang ganitong duty?

"Alam mo, kanina mo pa sinasabing hindi yun madali pero 'di mo naman sinasabi kung ano 'yung tinutukoy mo."

He sigh.

"Okay.. Mag hintay ka muna ng mga.." may nilabas siyang isang hour glass "5 minutes, babalik ako at sasabihin ko kung ano yung gagawin mo."

After 5 minutes..

Bumalik na siya.

"Oh ano na?" Pag salubong ko sa kaniya.

"Haaayy.. binigay sa'yo 'yung pinaka mahirap na misyon."

"Misyon?!"

"Yup!" May binigay syang isang kwintas na may pendant na maliit na bote.

"Ahh.. alam ko na 'to! Maghahanap ako ng pure love tears right?" Oo na panood ko 'to!

Na-comatose yung bidang babae dun at kaylangan nya ng tatlong pure love tears para mabuhay ulit. Hahahaha!!

Mabilis lang yun :)

Hurt Me To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon