Chapter 10

308K 2.9K 203
                                    

Steph’s POV

I was practically at freeze when I saw him. My feet we’re shaking while my hands are paralyzed on the doorknob. I can’t believe his in front of me, at last.

And in that moment, I wanted to hug him. To kiss him. To tell him how much I’ve miss him.

Pero bago pa man din yun mangyari ay kusa ng dumapo ang mga palad ko sa pisngi nya. I slapped him so hard on the face as my tears began to fall. “Ang kapal ng mukha mo!”

Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay bigla nalang sumabog na parang granada. Humagulgol ako sa harapan nya.

“Steph, I’m sorry.. I’m so sorry” he was also starting to cry as he tried to wrap his arms around me. Tinutulak ko sya pero pilit nya akong ikinukulong sa mga bisig nya.

We we’re both crying as we fight against each other’s arms. It really breaks my heart whenever I see Nate crying, pero hindi ako nagpadala sa pag-iyak nya. Punong-puno ng galit ang dibdib ko at hindi kayang hilumin ng mga yakap nya ang sugat sa puso ko.

Kaya ginamit ko lahat ng natitirang kong lakas para kumawala sa mga bisig nya. I faced him and saw nothing but tears all over his face. “Sorry?! Huh?! Sorry?!” sumbat ko sa kanya habang patuloy ako sa pag hikbi.

“Iniwan mo ko sa araw ng kasal natin.. tapos hindi ka nagpakita ng isang buwan... Isang buwan, Nate. Isang buwan akong naghintay!” sigaw ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Pilit nyang hinahawakan ang braso ko pero padabog ko yung tinatanggal.

Basag na ang boses na lumalabas sa bibig ko “pagkatapos ngayon ano?! Pupunta ka sa harapan ko, and all you can say is a fucking SORRY?!”

I’m trying to catch my breath as he stood there crying. “Sabihin mo sa akin Nate, bakit?!” sinusubukan kong punasan ang mga luha ko pero patuloy lang yun sa pagtulo.

“May kulang ba sa mga ibinigay ko sa’yo?! May mali ba sakin?! Meron bang iba?!” sunod-sunod na tanong ko sa kanya

“Steph, please” pagmamakaawa nya sa akin.

“Sagutin mo ko, Nate!!” kasabay ng bawat sigaw ko ang luhang matagal ko ng ininatago. “Baaakit?!?!” I tried to keep my distance from him.

Hindi na din nya napigilan ang humagulgol sa pagkakataong ito. “S-Steph, I-I’m sorry” pailing-iling na sabi nya. “I don’t know what happened. I thought I was ready but when I saw you walking down the aisle..” patuloy sya sa pag-iyak habang sinasabi ang mga ito.

“Parang nag fast forward ang lahat.. tapos.. tapos.. hindi ko na alam.. maybe.. I got sc-scared” Mas lalong bumigat ang dibdib ko sa mga sinabi nya. Scared?!

“Putangina naman Nate!!” napahawak nalang ako sa noo ko.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon