Chapter 36

244K 2.5K 673
                                    

Justin’s POV

Nakaupo ako sa tabi nya habang kinukwento nya sa akin ang buong pangyayari. She’s holding my hand and she’s trying to make me understand everything.

“Your dad was never my first love. It was Martin, his best friend.” She said calmly.

“Martin and I were together for four years. Simula noong highschool kami hanggang sa mag college. We were so madly in love with each other that time. Pakiramdam namin, wala ng katapusan. But then, one day, a gift from God surprised us. Second year college ako nun and I found out that I was pregnant. Hindi namin alam ang gagawin ni Martin ng mga oras na yun. Bukod sa takot, kahihiyan ang nagtulak sa amin para itago sa lahat ang balita.. kahit sa papa mo.  Mga magulang lang namin ang tanging nakakaalam. Syempre noong una, itinakwil nila ko at si Martin, pero hindi nagtagal, natanggap din nila. Tumigil ako sa pag-aaral habang pinagbubuntis ko ang kuya mo. Naging maayos naman ang lahat nung mga unang buwan. Pero hindi nagtagal, dumami ang mga issues at problema namin ni Martin. Palagi na kaming nag-aaway at hindi nagkakasundo.” Batid ko sa mukha nya ang lungkot habang nagkukwento

“When I gave birth to Tyler, akala ko magiging maayos na kami ulit ni Martin. Pero iba ang nangyari. Mas lalo syang naging malamig sa akin. Mas lalo kaming hindi nagkaintindihan sa mga bagay bagay hanggang sa nagdesisyon na kaming bumitaw. We broke up.”

“Ang sama ng loob ko nung mga panahong yon. Pero mas lalo akong nasaktan nang malaman kong nagpunta ng Amerika si Martin at dala nya ang anak ko. He took my child away from me. At wala akong nagawa.”

“Iyak ako ng iyak dahil nawalay sa akin ang anak ko at noong mga panahong iyon, your dad was there to comfort me. Pero hindi nya alam ang tungkol kay Tyler. Ang alam lang nya, nag break kami ng best friend nya. Simula nun, naging mas madalas ang pagsasama namin ng daddy mo. Halos araw-araw kaming lumalabas para makalimot ako. He helped me to move-on.”

“Pero isang araw, nabalitaan ko na bumalik na si Martin sa Pilipinas. At kahit halos isang taon din syang nawala, hindi nabago ang pagmamahal ko sa kanya. So I went to see him but he refused to see me. Luhaan nanaman ako sa tabi ng papa mo nung mga oras na yun. Pero nagulat ako nung habang kino-comfort nya ako, ay bigla nya akong hinalikan. At doon ko nalaman na matagal na pala syang may gusto sa akin.”

“Pero paulit-ulit kong sinabi sa papa mo na si Martin ang mahal ko. Na kahit ilang beses akong saktan ni Martin, sya pa din ang pipiliin ko. I decided not to see your father for quite some time after he confessed to me. Hindi rin ako tumigil sa paghahanap kay Martin at sa anak ko.”

“But one night, I was shocked when your father knocked on my door. Lasing sya ng mga oras na yun at paulit-ulit nya akong tinatanong kung bakit daw ba hindi ko sya kayang mahalin. Pinilit ko syang pakalmahin ng mga oras na yun pero galit na galit sya. Then without any hesitation, he started kissing me harshly.”

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon