Chapter 42

210K 2.7K 367
                                    

Justin’s POV

Umuwi ako sa hotel na para bang punong-puno ng laman ang utak ko. Hindi ko alam kung anung nangyayari sa akin at nagkakaganito nanaman ako. I immediately lie down on the bed and throw the car keys somewhere. Inilagay ko ang magkabilang palad ko sa aking mukha at parang bang gusto ko itong burahin.

Then after a few seconds, I heard someone knocking on my door.

Ayoko ko na sanang pagbuksan pero patuloy ang pagkatok nito so I was left with no choice. I opened the door and she gave me a welcoming smile. “Hey you!” she said then gave me a bear hug.

“Anung ginagawa mo dito?” tanong ko naman nang makahinga ako sa mahigpit nyang pagkakayakap.

“Ako dapat ang nagtatanong sa’yo nyan. Kelan ka pa bumalik?” sabi nya pagkatapos ay tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto kahit hindi ko naman sya pinapasok.

“Ilang araw ka na ba dito? Sinong kasama mo? Ikaw lang bang mag-isa?” she added as she walks around the room. “Hui! Bakit ba hindi ka sumasagot?” sabi nya sabay lingon sa akin.

“Paano naman ako sasagot eh sunod-sunod yung tanong mo.” then I finally had the chance to close the door and go back to my misery.

“Ang sungit mo naman” sabi nya pagkatapos ay naupo sa kama kung saan ako nakahiga.

Pero hindi ko sya sinagot bagkus ay nagpatuloy ako sa pagtakip sa mukha ko. “Nagkita na kayo noh?” sambit nya habang pilit na niyuyugyog ang balikat ko. Sa sobrang kulit, wala na akong nagawa kung hindi bumangon at umupo gaya ng kanyang pwesto.

“Anung sabi nya?” I took a deep sighed. I can’t believe she has the power to read my mind.

“She said she loves me” Matabang na sabi ko.

“Anung sabi mo?”

“I said I don’t love her anymore”

“But?” she said when I stop talking and started playing with my hands.

“Anung but?” naiinis na sabi ko naman.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon