Chapter 45

210K 2.7K 391
                                    

Steph’s POV

It was a long day.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod pagkatapos kong bihisan si Alex. I took his favorite PJ then put him into bed.

“Mommy, bakit po hindi dito natutulog si daddy?” bigla nalang akong napahinto sa paghaplos ng buhok ni Alex nang itanong nya ito.

Hindi ko alam ang isasagot sa anak ko.

Bakit nga ba? Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin sya tuluyang bumabalik sa aming mag-ina? Ito na siguro ang pinakamahirap na bagay na itinanong sa akin ni Alex.

Matagal akong tiningnan ng anak ko at batid ko na hinihintay nya ang sagot ko. I just gave him a smile and try to let him understand the situation. “Anak, kasi diba 4 years nawala si daddy. Kaya siguro, nag-aadjust pa sya” sabi ko.

“Nag-aadjust?” tanong naman nya.

I took a deep sigh. Paano ko ipapaintindi sa anak ko ang sitwasyon kung ako mismo ay hindi ko maintindihan?

I caress his hair for the nth time, “Bakit po yung daddy ni Coleen nung bumalik galing ng Amerika, sa bahay na nila agad natutulog?”

Para akong isang manikin na naninigas at hindi makapagsalita sa harap ni Alex. “Anak, paglaki mo, tsaka mo maiintindihan” sabi ko nalang sa kanya.

“Big boy naman na po ako sabi ni Papa.” Sagot nya naman. Alam kong maraming gumugulo sa isip ng anak ko.

Alam kong marami syang tanong na ako lang ang makakasagot. Hindi ko ipinagdadamot kay Alex ang pagkatao nya. Kinukwento ko sa kanya si Justin pero lagi ko lang inaalis sa kwento kung paano kami naghiwalay.

I don’t want him to look at his father as a bad guy.

“Alam kong big boy ka na.” tugon ko sa kanya pagkatapos ay pinisil ko ang matambok at namumula nyang pisngi. “Pero may mga bagay talaga na hindi mo pa maiintindihan.”

“Kapag nag-five ka na, baka sakali” dagdag na biro ko nalang kahit sa may kaunting kurot sa dibdib ko.

“Mommy, naman eh” maktol nya naman pero may halong tawa sa mukha nya.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon