Chapter 48

190K 2.6K 386
                                    

Justin’s POV

I can feel someone caressing my hair. I don’t where I am or who I’m with. I just feel so weak and I can’t seem to open my eyes. Pero hindi nagtagal ay narinig ko ang boses nya. Agad syang umalis sa pagkakatabi sa akin at tila mayroong kinausap. I can’t hear the conversation.  Puro bulong lang ang mga naririnig ko.

Sinubukan kong hawakan ang ulo ko pero ang bigat ng kamay ko. Parang bato na hindi ko mabuhat. Ilang sandali pa ay naramdaman kong bumalik sya sa tabi ko. At sa pagkakataong ito ay hinawakan nya ang kamay ko at idinampi ang kanyang labi.

Sa bahagyang haplos nya ay nalaman ko agad kung sino sya.

I used all my energy to open my eyes.

And when I did, she smiled at me.

Agad lumabas ang luha sa mata ko nang makita sya. She immediately hugged me and put my head on her chest. “I lost her again, Ma” I said then I started to cry.

“And I killed our son” dagdag ko habang patuloy sya sa pag-alalay sa akin.

“Shhhhhhh.. don’t say that son. It’s not your fault” sabi nya pagkatapos ay mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na animo’y ayaw nya akong makawala. It felt so good in her arms pero parang sobrang dami lang ng sakit sa dibdib ko na kahit yakap nya ay hindi kayang pawiin.

Simula nang mag break si Tyler at Melissa, nagdesisyon ako na doon na muna patirahin si mama sa New York. Alam kong kailangan ni Tyler nang gagabay sa kanya at walang ibang makakatulong sa kanya kung hindi si Mama. Tyler needed someone to love him again. At wala nang papantay pa sa pagmamahal ni Mama.

It took me a while to realize that I’m in the hospital.

Hinawakan ni Mama ang mukha ko matapos nya akong yakapin. She wiped my tears away and looked at me as if I’m not the worst person in the world. Marahan nyang hinaplos ang mata ko at ang paligid nito. I can feel some pain as she move her fingers. Hindi ko man makita, alam kong puro pasa ang mukha ko.

Napayuko nalang ako habang tinititigan nya ako. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako dahil pinatunayan ko lang na wala akong kwentang ama. I hated my father for not taking good care of us but I did the same thing.

Ni hindi ko naprotektahan ang mag-ina ko.

Nakikita ko ang patuloy na pagpatak ng tubig mula sa mata ko papunta sa kama. Nagpatuloy ako sa pagyuko  at hinawakan ko ang magkabilang palad ko. “Ma, ang sakit nanaman.” Sabi ko pagkatapos ay napasubsob ako sa palad ko. Karamay ko sya noong unang beses akong nasaktan kay Steph. At ngayon, sya nanaman ang naging sandalan ko.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon