Chapter 11

296K 2.3K 132
                                    

Steph’s POV

Pagkagising ko ngayong umaga, bumungad sa akin ang napakadaming bulaklak. Tulips and stargazers were all over my room. Meron ding mga fresh petals ng roses sa carpet. Sa bandang ceiling naman ay nakapalibot ang mga balloons na may picture sa bawat dulo. Mga pictures namin ni Nate, simula nung bata kami hanggang sa ngayon. Meron kaming pictures nung prom, nung debut ko, graduation, birthday, anniversary at kung anu anu pa.

Pakiramdam ko, kukunan ng music video yung room ko sa sobrang ganda.

Nate is quite the definition of romantic. He knows how to make my heart jump in just a second. I looked at each picture very carefully and each of them reminds me of how happy we are.. we were.

Pagpunta ko sa dining room ay nakita ko kaagad si Nate na nakasuot ng apron at may hawak-hawak na plato sa magkabilang kamay nya. He smiled when he saw me.

“Good Morning! Kain na, pinagluto kita nung favorite mo” pagkatapos ay ibinaba nya sa lamesa ang mga plato at tsaka hinila ang isang upuan para makaupo ako. I’ve always pictured him like this. Like a sweet, caring husband.

But I decided to sit down on the chair next to the one he pulled. Inilagay nya sa harapan ko ang isang platong may lamang waffle topped with strawberries, blueberries and maple syrup. “Just how you like it” then he smiled at me again as he pour some coffee.

“Bakit ba andito ka nanaman?” tanong ko sa kanya. For the past few days, lagi syang nagpupunta dito sa bahay. Lagi syang may dalang bulaklak, teddy bears, chocolates at kung anu anu pang mga regalo.

“Ahmmm.. sabi ko naman sa’yo diba, kung kailangan kong mag umpisa ulit, gagawin ko.” Sagot nya. “O sige na, kain ka na habang mainit pa yan.” He added

I pushed the plate away from me. “Pwede ba?! Wag na tayong magkunwari na okay lang ang lahat, dahil hindi naman” pagkatapos ay tumayo ako sa kinauupuan ko. Pero bago pa man din ako makaalis ay humarang sya sa dadaanan ko.

“Steph.. I know I hurt you.. and I’m so stupid for doing that. Pero sana hayaan mo akong maitama ang pagkakamali ko. Sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para maipakita sa’yo kung gaano ka kaimportante sa akin. Kung gaano kita kamahal.” He said in a very calm voice.

“Mahal?” I chuckled. Anung pagmamahal ang sinasabi nya? Kung mahal nya ako, hindi nya ako iiwan.

He just stood there as I walk out on him. “Sya nga pala, alisin mo nga yung mga kinalat mo sa kwarto ko. I don’t want to see any of your shit in there.” Sabi ko bago ako tuluyang umalis.

Ako lang ang naiwan sa bahay ngayon. May business trip sila mommy at daddy sa Singapore. Kahapon pa sila umalis at hindi daw nila alam kung kelan sila makakabalik. Depende pa daw yun sa kalalabasan nung deal na inaasikaso nila. Si kuya naman ay bumalik na sa Canada dahil marami daw syang naiwang trabaho doon.

I suppose yung mga maid ang nagpapasok kay Nate kanina.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon