Chapter 54 (Final Chapter)

284K 5.1K 1.5K
                                    

Hindi ko inakala na aabot ako sa puntong ito. Kahit minsan, hindi ko naisip na makakapagsulat ako ng isang libro. Pero nagawa ko, at yun ay dahil sa tulong ninyo. Kaya salamat po dahil andyan kayo para suportahan ako. 

Salamat dahil nakaabot ka dito :)

_________________________________________________________________

Steph’s POV

I can hardly open my eyes. Alam kong gising na ako pero parang ang bigat ng mata ko at hindi ko ito maidilat. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ang paligid ko. It’s weird but I can hear something splashing. Splashing like..

Like the ocean??

Sa pagkakataong ito ay pinuwersa kong buksan ang mga mata. I blinked so many times to make my vision clear. Agad din akong napahawak sa ulo ko dahil parang may ipinalo dito sa sobrang sakit. I looked everywhere and I am in an unfamiliar place. Nasa isang kwarto ako at pagtingin ko sa labas ay tama ang hinala ko.

Nasa beach ako.

Agad naman akong naguluhan sa sarili ko. Panu ako napunta dito?!

I searched the room for some clues and I tried to find my bag. Pero kahit isa ay wala akong nakita. There is nothing in the room but the bed and a cabinet that is full of man’s clothing. Inalala kong mabuti kung anu ang nangyari bago ako mapunta dito.

Pero ang huli kong natatandaan ay nasa opisina ako ni kuya. Then Nate sent some flowers. Pagkatapos nun ay parang bigla akong nahilo. I took a deep sigh. Maybe he brought me here.

“Nathan.” Nasabi ko nalang pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.

It’s a small resthouse na parang kamukha ng lake house namin. Agad ko namang hinanap si Nate. May isa pang kwarto sa resthouse pero nakalock iyon. Medyo maliit lang ang place pero maganda. Elegante at talaga namang nakakarelax ang interior design nito.

Ito ba yung surprise na sinasabi nya sa akin before? Hmmmm…

Hindi ko sya nahanap sa loob kaya naman lumabas ako. Agad na sumalubong sa akin ang hangin at nagdala ito ng masarap na simoy ng dagat. Nakita kong may nakahandang lamesa at ihawan sa tapat ng resthouse. Paglapit ko sa lamesa ay biglang may nagsalita.

“Hi sleepyhead.” I was stun when he said that. Agad akong napailing ng marinig ko ang boses nya. At kahit nakatalikod pa ako at hindi ko pa sya nakikita, alam na alam ko kung sino sya. “Justin.” Then I turn around.

The hell I’m right.

Agad nya akong nginitian pagkatapos ay ipinakita ang plato na hawak nya. “Gutom ka na?” nakangiting sabi nya pagkatapos ay lumapit sa akin. Hindi naman maipinta ang mukha ko ng mga oras na iyon. Tumingin ako sa paligid. Pakiramdam ko nasa isang private island kami.

“Anung ginagawa ko dito?!” galit na sabi ko.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon