Chapter 53

176K 3.2K 615
                                    

Justin’s POV

Tahimik akong nakatayo dito sa gilid ng venue nang biglang may tumapik sa likuran ko. Agad naman akong humarap sa kanya at inabutan nya ako ng isang wine glass. Napangiti nalang ako sabay kuha sa baso.

“Sorry ha” sabi ko sabay inom sa wine.

“Para saan?” sabi naman ni Tyler habang tinutupi ang longsleeves nya.

“Araw mo ito. Tapos gumawa pa ako ng eksena kanina” sabi ko ulit at hindi ko na namalayan na naubos ko agad ang alak na ibinigay nya. Ngayon lang nag sink in sa akin lahat ng dramang ginawa ko kanina.

“Anu ba kasing nangyari?” tanong nya pero hindi ako agad nakasagot. “Dati rati, okay ka naman kapag pinag-uusapan natin sya.”

Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos ay kinuha ko ang envelope sa loob ng suit ko. “Ikakasal na sila ni Nate” then I showed him the invitation. Naubos na lahat ng luha ko kanina kaya hindi na ako masyadong naiyak nang ipakita ko sa kanya. Pero halos parehas kami ng naging reaksyon ni Tyler ng makita nya ang nakasulat. “Akala ko okay na ako eh.” Dagdag ko.

Nakita kong napailing si Tyler at alam kong nakikisimpatya sya sa nararamdaman ko. “Anung plano mo ngayon?” tanong nya pagkatapos ay isinauli sa akin ang envelope.

Nagkibit balikat lang ako. “Wala. Wala naman na akong magagawa.”

“Mahal mo pa ba sya?” tanong nya.

Napangiti nalang ako pagkatapos ay ipinakita ko sa kanya ang kamay ko. I’m still wearing my wedding ring. Samantalang yung wedding ring ni Steph ay nakakwintas sa akin. Palagi kong suot ang dalawang singsing na ito. Para kahit yung mga singsing man lang namin, kahit papano ay magkasama pa rin.

“So, mahal mo pa nga?” natawa nalang ako sa sobrang kulit ni Tyler. Alam ko namang gusto nya lang marinig mula sa bibig ko.

Sandali akong napatahimik habang inaalala ang mga panahong nasa tabi ko si Steph. Pagkatapos ay tumingin ako ng diretso kay Tyler. “Sobra.”

Napangiti naman sya sa sagot ko. “Sya ba? Sa tingin mo ba mahal ka pa nya?”

“Ty naman, tatlong taon nyang kinaya ng wala ako. Pagkatapos ngayon ikakasal na sya. Hindi pa ba sapat na ebidensya yun para sabihin natin n–” biglang namang pinutol ni Tyler ang pagsasalita ko at tinapik ako sa balikat.

“Wala akong pakialam sa kung anu mang ebidensya ang meron sa harapan natin. Ang tinatanong ko ay kung anu yung sa tingin mo.” paglilinaw nya. “Sa tingin mo ba mahal ka pa nya?”

Hindi ako makasagot kay Tyler. Hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot kung hindi dahil natatakot ako na baka mali ang sagot ko.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon