Chapter 25

256K 2.2K 380
                                    

Steph’s POV

I’m just 24 years old.

Hindi ko pa naaabot ang kalahati ng buhay ko pero nailibing ko na ang mga magulang ko. Ni hindi man lang nila nakita ang mga magiging apo nila. Ni hindi ko man lang nakitang pumuti ang buhok nila.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang, mga bata pa kami at masayang nakikipaghabulan sa kanilang dalawa sa may dalampasigan. Parang kahapon lang, tinuturuan pa ako ni mommy kung paano magluto. Parang kahapon lang, tinutulungan ko pang maglinis ng sasakyan si daddy.

Parang kahapon lang, abot-kamay ko pa silang dalawa. Pero ang mga alaalang ganito ay mananatili nalang alaala at hindi na madadagdagan pa.

Halos tatlong araw akong tulala at malayo sa kabishanan ang utak. Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay ko. Sila mommy ang nagsisilbing gabay at lakas ko araw-araw. Sila ang inspirasyon ko. Pero paano na ngayon?

Kung pwede ko lang ipalit ang buhay ko sa kanila, ginawa ko na sana.

Andito kami sa bahay ngayon, dalawang araw makalipas ang libing. Kasama ko si Nate at si Kuya. Babasahin na kasi ni attorney ang last will and testament nila.

“Hindi ko alam kung paano sisimulan ito” sabi ni atty. Sanchez sa amin.

“Bakit attorney?” tanong ni kuya dahil parang hindi maipinta ang mukha nito.

He took a deep sighed before facing the three of us. He looks very serious and nervous at the same time. “Matteo, alam mong parang mga anak ko na kayo, at kung kaya ko lang, hindi ko ipapasa ang responsibilidad na ito sayo. Pero ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko.” Sabi ni attorney kay kuya.

Mas lalo kaming naguluhan sa sinasabi ni attorney.

“Attorney, anung bang problema?” tanong ulit ni kuya.

Inilabas nya ang mga papeles sa attaché case nya. “It started last year. I advised your father to sell it before things get worst but he didn’t listen. Gusto pa din nyang isalba ito.” Sabi ulit ni attorney.

“Attorney, please get to the point” batid ko ang pag-aalala sa mukha ni kuya.

“Your company faced a major crisis last year. Dahil dito, natakot ang ibang investors nyo at nagsialisan sila. Even your major stockholders pulled out their shares. Unti-unting naubos ang kabuhayan ng kumpanya. It was near bankruptcy. Your father had no choice but to shoulder all the expenses regarding your expansion in Singapore. Napirmahan na nya ang kontrata bago pa man mangyari ang lahat kaya hindi na sya pwedeng mag back-out.” Paliwanag ni attorney.

“Dahil sobrang laki ng perang kailangan para sa Singaporean deal, napilitan ang parents nyo na i-liquidate ang mga assets nyo at makipagpartner sa ibang kumpanya. It was a small company but they were able to comply with the requirements that your parents needed. Pero ang partnership na ito ang nagsimula ng bagong apoy. Itinakbo ng financial manager nang kabilang kumpanya ang perang dapat ay ipangbabayad ng mga magulang ninyo.” Dagdag nya

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon