Chapter 32

291K 3K 251
                                    

Steph’s POV

“Hui, Steph. Baka naman mapunit na yang pisngi mo kakangiti dyan” sabi sa akin ni Sandra habang nakasalong-baba ako dito sa lamesa ko.

“Hindi ah” sabi ko naman pero nakangiti pa din. Hindi kasi maalis sa isip ko yung mga nangyari sa amin ni Justin nung isang gabi. Para akong teenager na kinikilig dito habang nagrereminisce.

“Great night, Boss”

 

 

Oh yes, I really am the boss.

Ilang minutes nalang at magla-lunch time na. Gusto ko sanang kasabay kumain si Justin pero naisip ko, baka masyado nang OA kung pupuntahan ko nanaman sya sa office. Baka akalain ng mga tao dun, masyado akong obsess sa kanya.

Hmmmmm.. wag na nga lang.

Justin’s POV

I am currently having a meeting with the board of directors. Nagpaplano kami kung paano ulit palalaguin ang kumpanya pagkatapos nitong masadlak sa napakalaking utang. Nagiging suggestive naman ang lahat at busy kaming nagtatalo sa kung ano ang pinakaepektibong stratehiya.

Pero natahimik kaming lahat ng kumatok ang sekretarya ko. “Ahmmmm.. Sir, sorry po pero may bisita kayo” mahinang sabi ni Dorris at batid ko ang kaba sa itsura nya.

“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na busy ako. Kung sino man yan, sabihin mo maghintay sya” pasigaw na sabi ko naman sa kanya pagkatapos ay ibinalik ko ang atensyon ko sa papeles na binabasa ko.

“Kahit ako?” tanong naman ng isang pamilyar na boses.

Napatingala ako at agad na napalitan ng ngiti ang nakasimangot kong mukha. “I’m sorry to interrupt your meeting but I really want to talk to my husband.” She said with her ever stunning tone. “Madrigal, in your office.” utos naman nya sa akin at aktong lalabas ng pintuan.

“No.” mabilis na sabi ko naman at pagktapos ay napaharap sya sa akin. Nakita ko din ang kakaibang reaksyon sa mga tao sa conference room.

“No?” ulit nya sa sinabi ko.

“No.” sabi ko ulit pagkatapos ay sinabayan ko pa ng iling.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon