Chapter 26

253K 2.1K 147
                                    

Steph’s POV

Pinilit kong umalis sa hotel ni Justin nang buo ang loob. Alam kong umpisa palang ‘to ng paghihirap ko kaya kailangan kong maging matatag.

Ibinigay ko kay attorney ang cheque. Noong una ay nagtaka sya kung papaano ako nakakuha ng ganun kalaking pera, pero hindi nagtagal ay naisip nya na si Justin ang sagot. Pinagalitan nya ako tungkol dun, pero sabi ko sa kanya, hindi ko hahayaang mawala pati si kuya.

Pag-uwi ko sa bahay ay halos wala ng gamit. Kukunin na nga pala ng bangko itong bahay namin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang mga masasayang nangyari dito.

This house is where I grew up.

Dito ako natutong lumakad, tumakbo, madapa at muling tumayo.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero parang naririnig ko ang tawanan nila mommy at daddy. Naririnig ko ang asaran namin ni kuya. At nararamdaman ko ang pagmamahal ni Nate.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko. Marahan kong hinaplos ang bawat sulok nito. I’m surely going to miss this place. Ilang sandali pa ay nakarating ako sa walk-in closet ko. Napaharap ako sa salamin at mariin kong tinitigan ang sarili ko.

I’m Stephanie Sandoval.

I used to have everything.

Beauty. Brain. Body. Attitude. Money. Family. And even the perfect boyfriend.

But now, I have nothing.

Beauty?.. I have bags under my eyes. My skin is too pale that it feels like no blood is running in it. My lips are chapped and my hair is like a bird’s nest.

Brain?.. I don’t have the capacity to think of wise decisions anymore. Alam kong malaking katangahan ang pinili kong magpatali sa isang lalaking hindi naman ako mahal.

Body?.. I don’t even own it anymore. Ibang tao na ang nagmamay-ari ng katawang ito. Ni-hindi ko man lang nga sya napigilan sa pambababoy dito.

Attitude?.. Wala nga akong naggawa para ipagtanggol ang sarili ko sa pambabastos nya.

Money?.. I even have to beg for it. Worst, I even have to touch myself for it.

Family?.. well, I just buried my parents.

And last but definitely not the least, a perfect boyfriend?....

…..

Habang patuloy ako sa kakaisip kung gaano ka walang kwenta ang buhay ko ay biglang pumasok si kuya sa kwarto.

“Steph, is it true?!” galit ang tono ng boses nya. Pero kahit hindi nya sabihin, alam kong alam na nya ang tungkol sa perang ibinigay ni Justin. Attorney must’ve told him.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon