{MMH} *Ch. 18 - 'Yes She Is' + Worst Nightmare? ;)

979 29 11
                                    

{MMH} *Ch. 18 - ‘Yes She Is’ + Worst Nightmare? ;)

 

~CLENERY’s POV~

 

“Handa ka na ba?” tanong sakin ni Kuya Melvin.

Nandito kasi sila ngayon sa Pilipinas. Nagulat na nga lang ako nang pag-uwi ko eh sinalubong nila agad ako sa CM.

Umuwi daw sila dahil ngayon ko na daw kasi makikilala yung soon to be husband ko. Hindi ko naman kasi alam na mas excited pa pala sila sakin sa mangyayari ngayon. -__-

Tiningnan ko sya, “Siguro? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon Kuya Melvin. Kinakabahan ata ako na ewan.”

Tumawa naman sya sa sinabi ko, “Wag ka mag-alala my lady. Gwapo naman yun. Hahaha.”

Napa-pout ako sa sinabi nya. Nandito nga pala kami sa CM. Naghahanda ng umalis para magpunta sa isang five star hotel. Dun daw kasi namin imemeet yung mapapangasawa ko.

Ilang sandali pa ay umalis na kami. Ano ba naman to. Kinakabahan talaga ako. Bakit feeling ko hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari ngayon?

Ang mga kuya ko lang ang kasama ko. Wala ang parents ko dahil may business meeting sila na pinuntahan. Sabi naman nila kuya nagpasabi na ang parents ko sa parents nung soon to be husband ko.

Nakatingin lang ako sa daan habang nag-iisip ng kung ano ano. Napansin siguro yun ni Kuya Shin dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya, “Still nervous?” tanong nya habang nakangiti.

Dahan dahan akong tumango, “Hindi ko alam kuya pero para kasing hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari mamaya.”

“Really? C’mon. Just relax. Wag ka masyadong mag-isip. Go with the flow.” Sabi niya.

Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti.

Nakarating naman kami ng maayos sa venue. Nilibot ko ang paningin ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit feeling ko may hinahanap ako? Hindi ko maintindihan.

Nauna ng pumasok sila kuya sa hotel. Nagpahuli ako dito sa labas. Parang gusto ko muna kasing maglakad lakad sa paligid ng hotel. Maganda ang hotel na to. Ano pang aasahan sa isang five star hotel? -__-

Tiningnan ko sila kuya na nakapasok na sa hotel. Hindi naman nila napansin na wala ako sa likod nila dahil may kumausap na sa kanila na receptionist.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila. Naglakad ako papunta sa park ng hotel. Nililibot ko pa rin ang mga mata ko sa paligid. Pinapakiramdaman ko din ang lamig ng simoy ng hangin. Gabi na kasi. 7pm na rin. Kaninang umaga wala akong ginawa kundi ang makipag-usap kina Kat, Kitzie and Cyclone. Naka-conference lang naman kami. Ako ang tumawag sa kanila. Wala kasi akong makausap at mapaglabasan ng nararamdaman ko about dito sa meeting na mangyayari.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now