{MMH} *Ch. 32 - Behind The Pain: Determination

645 17 5
                                    

{MMH} *Ch. 32 - Behind The Pain: Determination

 

~CLENERY’s POV~

 

Magaalas-dos na ng madaling araw pero gising pa din ako. Hindi ko talaga tinangka na matulog hangga’t hindi dumadating ang asawa ko. Hinihintay ko sya dahil may gusto lang akong sabihin sa kanya.

Napatingin ako sa cellphone ko. Wala akong natanggap ni isang text o tawag mula sa kanya ngayong araw na to. Napangiti ako pero may halong galit at inis. Ito ba talaga ang gusto mo Marc? Sige. Mula ngayon hahayaan na kita sa gusto mong mangyari.

Nanatili pa rin ako sa loob ng kwarto namin ni Marc. Ilang sandali pa ay nakarinig na ko ng mga yabag na papunta sa kwarto namin. Alam kong sya na to dahil narinig ko ang sasakyan nya kanina.

Bumukas ang pinto at pumasok sya. Nakapatay ang mga ilaw pero alam kong napansin na nya ako na nakaupo dito sa sofa. Halata na nagulat sya at gising pa ko ng ganitong oras. Nagtataka siguro sya dahil usually ay nadadatnan nya akong tulog sa twing umuuwi sya.

Nawala ang pagkagulat sa mga mukha nya at napalitan ng pagiging poker face nya. Lumakad sya papunta sakin habang nagsasalita.

“Bakit gising ka pa?” sabi nya.

Gusto kong tumawa sa sinabi nya. Hindi ko naman inaasahan na masyadong obvious ang tanong nya. Ineexpect nya talaga na kapag umuwi sya ay tulog na ako.

Ngumiti lang ako sa kanya. Saglit syang napahinto sa paglapit sakin. Alam kong sa mga oras na to ay alam na nya ang ibig sabihin ng ngiting ibinigay ko sa kanya. He is Marc after all. He can easily read what’s on my mind through my actions.

“Ikaw Marc? Bakit ngayon ka lang?” tanong ko sa kanya habang nakangiti pa rin.

“Ah.” iniwas nya ang tingin nya sakin at muling lumakad, “Nag-overtime lang ako sa office. Ang dami kasing ginagawa.” sabi nya sabay akmang hahalikan ako pero iniwas ko sa kanya ang mukha ko.

Ramdam ko na nagulat syang muli sa ginawa ko. Pero nagsalita pa rin ako.

“Sa office nga ba? O sa ibang lugar?” seryoso kong tanong sa kanya. Nakita ko ang pagbabago ng reaction nya. Mula sa pagkagulat ay naging kaba ang nakita kong expression mula sa mga mata nya.

“Why did you ask that? Ofcourse sa office.” sagot nya.

“With who?” muli syang natigilan sa sinabi ko.

“I’m alone Clenery.” seryoso nyang sabi sabay ayos at lumakad para magpalit ng damit nya.

Tumayo ako at sinundan ko sya, “Bakit ang seryoso mo? Tinatanong lang naman kita.” kalmado ko pa ring sabi.

Napahinto sya at tumingin sakin, “Let’s talk tomorrow. I’m tired.” sabi nya at akmang lalakad sana ulit pero nagsalita ako.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now