{MMH} *Ch. 19 - Advance Honeymoon & I'll Be Your Girl. ;)

1K 21 3
                                    

{MMH} *Ch. 19 - Advance Honeymoon & I’ll Be Your Girl. ;)

 

~CLENERY’s POV~

 

Nakatingin lang ako ngayon sa lalaking nasa harapan ko at nakaupo.

Matapos kaming ipakilala nila kuya ay nagpaalam sila na kailangan na daw nilang umalis kasama si Ate Keith na may aayusin pa daw.

Naiwan kami nitong soon-to-be-husband ko ‘raw’ dito sa hotel. Aaminin ko, hindi pa rin ako makapaniwala na sya ang mapapangasawa ko. Pakiramdam ko lahat ng to ay isang malaking biro. At hindi nakakatuwa.

Oo. Hindi ako natutuwa sa nangyayari ngayon. Naiinis ako. Nagagalit. Pero diba dapat masaya ako dahil magpapakasal kaming dalawa? Ikakasal ako sa lalaking mahal ko at mahal ‘daw’ ako ayon kay Ate Keith dahil dun sa sinabi nyang ikakasal si Marc sa babaeng mahal nya.

Pero kung iisipin nyo, parang may mali. May hindi tamang nangyayari. Oo nga. Mahal ko sya pero galit ako sa kanya. Pinangako ko noon na gagamitin ko na ang utak ko pagdating sa ganito. Ayoko ng magpauto ulit. Dahil kapag nangyari yun, ako ulit ang magdudusa sa huli.

Tinanggap ko ang arranged marriage na to. Una, dahil ito ang gusto ng parents at mga kapatid ko. For business purposes. Mahal ko sila kaya pumayag ako. Ayokong mawala ang business na pinaghirapan ng parents ko at pinaghihirapan ngayon ng mga kuya ko. Pangalawa, dahil gusto kong mapunta sa iba ang atensyon ko. Gusto kong makalimot. Gusto ko syang makalimutan pero ano to? Nagkamali na naman ba ako? Mali na naman ba ang desisyon ko? Dahil kung sino pa yung lalaking gusto kong kalimutan ay sya pang pakakasalan ko.

Bakit napakabait mo sakin destiny? Wala ka na bang pwedeng paglaruan na iba kundi kaming dalawa lang ng lalaking to? Ilang beses na kong nakipaglaro sayo. Simula kay Keiffer. Then kay Marc, tapos this time, kay Marc ulit. Pero lagi naman akong talo. Laging ako ang bumabagsak. Ang nahuhulog. Ang nasasaktan.

Umiyak na ko. Ilang beses na kong umiyak dahil sa larong gusto mo. Ano pa bang kailangan kong gawin para alisin mo na ko sa larong to? O kaya naman para hayaan mo kong manalo? Kahit isang beses lang. Iparamdam mo naman sakin ang pakiramdam ng nanalo sa isang laro. Isang mahirap na laro. Maraming pagsubok. Maraming kailangan lagpasan.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Seryoso lang ako at alam kong naramdaman nya yun. Hindi nya sinasalubong ang mga tingin ko. Iniiwasan nya ko.

“Plano mo ba lahat ng to?” tanong ko kaya napatingin sya sakin pero hindi pa rin nagtatagpo ang mga mata namin.

“What do you mean?” parang wala lang na sabi nya.

“Itong arranged marriage na to. Ikaw ang nakaisip ng lahat ng to hindi ba?”

“Hindi ko alam ang sina---“

“Yung pagiging instructor ko. Kasama yun sa plano mo. Tama ba?” napatigil sya sa sinabi ko. Alam kong alam nya ang tinutukoy ko.

Sa konting oras na to, napagdugtong dugtong ko ang lahat. Sya ang kinuhang instructor ko ni papa dahil alam nyang hindi maganda ang huli naming pagkikita ni Marc. Nakita naman nilang lahat noon kung ano ang nangyari sakin nang iwan nya ako. Nang saktan nya ako. Hindi halos nila ako makausap. Lagi akong nagkukulong sa kwarto ko. Nagmumukmok habang umiiyak at walang pakialam sa nangyayari sa mundo. Basta ang alam ko. Nasasaktan ako.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon