{MMH} *Ch. 6

1.2K 26 5
                                    

{MMH} *Ch. 6

 

~CLENERY’s POV~

 

“So miss, I’m Marc Lynn Hardy, your instructor and the one in charge to guide you in your job. And I’ll make sure that your stay here in your firm as an auditor will be very memorable and definitely unforgettable.” Sabi nya habang nakalahad ang kamay sakin at naka-smirk.

Tinitigan ko lang naman ang kamay nya na nakalahad sakin. Nagdadalawang isip kasi ako kung kukunin ko ba o hindi. -__- nakakainis. Bakit kailangan mangyari tong ganito?!

Wala na kong nagawa. Inabot ko nalang ang kamay nya at nagsalita, “Nice meeting you. I’m Clenery Shane---“

“I already know you. You don’t need to introduce yourself to me. Infact---“

“Well, isn’t it rude if I don’t introduce myself to my so called instructor?”

Tumango tango sya, “If that’s what you want, then---“

“No it’s okay. Nawala na din naman ako sa mood magpakilala.” Sabi ko at aalisin ko na sana ang kamay ko na hawak nya kaso hinigpitan naman nya ang pagkakahawak dito.

Humarap sya kay Jheszy habang hawak pa rin ang kamay ko, “I-totour ko muna sya dito. Kapag tumawag si Mr. Chua pakisabi kasama ko na sya.”

Tumango nalang si Jheszy at nag-smile. Tumingin din sya sakin habang nakangiti. Nginitian ko nalang din sya.

Humarap na sakin si Mr. Manhid at bigla akong hinila. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pero pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko, “Let go of my hand.”

“No.” sabi nya habang patuloy pa din sa paglakad. Nasa harap ko sya at nasa likod nya ako. Pansin ko din na nakatingin samin ang mga employees dito. Baka isipin nila na may relasyon kami ng isang to. -__-

“Let go. Ano ba?! Parang ang hirap naman sayo na bitawan ang kamay ko eh nagawa mo na nga yun sakin noon diba?” hindi na ko nakapagpigil at nasabi ko yun sa kanya. Naiinis na kasi ako. Kung umasta sya parang wala kaming past na dalawa. Parang wala syang kasalanan sakin.

Bigla naman syang napahinto dahil sa sinabi ko. Mahina lang naman ang pagkakasabi ko. Sapat lang para marinig nya.

Napabuntong hininga muna sya at saka tumingin sakin, “Fine.” Binitawan na nya ang kamay ko, “Follow me.” Sabi nya at naglakad na ulit.

Napahinto naman ako saglit habang tinitingnan sya na naglalakad. Bakit ba ganito na naman ang pakiramdam ko? Nung binitawan nya ang kamay ko, bakit nasaktan ako? Ginusto ko naman yun diba?

Nang medyo malayo na sya ay naisipan ko ng maglakad pero huminto ako sa tapat ng elevator. Ayoko na. Sasabihin ko nalang kay papa na biglang sumama ang pakiramdam ko ngayon kaya umuwi muna ako. Hindi ko na sya kaya pang harapin. Nahihirapan ako.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now