{MMH} *Ch. 5

1.2K 23 8
                                    

{MMH} *Ch. 5

 

~CLENERY’s POV~

 

Nandito ako ngayon sa kotse ni Gab. Papunta kami sa accounting firm namin dito sa Pilipinas. Tinawagan kasi ako ni papa kahapon na kung pwede magtrabaho na ko as auditor sa firm namin. Kailangan na daw kasi ako dun. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan na ako eh sa pagkakaalam ko tumanggap ulit sila ng newly CPAs. Kakatapos lang kasi ng CPA board exam dito. At kakalabas lang din ng result.

Pumayag na rin ako para magamit ko naman tong pinag-aralan ko. Saka para maging busy na rin ako. Hindi muna kasi ako tumanggap ngayon ng project sa pagmomodel. Wala ako sa mood magpose pose eh. -__-

Tahimik lang naman kami ni Gab dito sa loob ng kotse nya. Sinundo nya ako kanina sa condo ko. Sinabi ko naman na no need na dahil dumating na din naman yung kotse ko. Hindi ko kasi nakuha sa CM yung kotse ko kaya hindi ko agad nagamit kaso itong si Gab sadyang makulit talaga. Nagpumilit kaya pumayag na ko.

Nakatingin lang ako sa labas. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Gab na nakita ko sya. Si Marc. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin sa kanya nakwekwento maski kila Kat.

“May problema ba?” biglang tanong nya sakin kaya napatingin agad ako sa kanya.

“H-ha?”

“Kanina ka pa kasi tahimik. Parang ang lalim ng iniisip mo. May nangyari no?” kabisado na nga nya talaga ako. Ang bawat kilos ko.

Hindi sya nakatingin sakin nung sinabi nya yun. Focus pa rin sya sa daan.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at huminga ng malalim, “N-nakita ko kasi sya.”

Napansin ko na medyo napatingin sya sakin pero bumalik ulit ang tingin nya sa daan, “Talaga? Saan?”

Napayuko ako, “Sa wedding shop nung isang araw. Nung tumitingin ako ng wedding gown.”

“Ahh. Nung hindi kita nasamahan? Ayos sa timing ah. Kung kelan hindi mo ko kasama saka nagpakita. Anong nangyari?”

“Sa totoo lang, hiniling ko nung mga oras na yun na sana bigla kang sumulpot para ialis ako sa sitwasyon na yon. Sobrang hirap Gab. A-akala ko magiging ok ako kapag nagkita kaming muli kaso,” tumingin ako sa kanya, “Mali ako.. Ang sakit pa rin.. Biglang bumalik yung naramdaman ko noon ng iwan nya ako..”

Feeling ko anytime tutulo na ang mga luha sa mata ko.. But I need to be strong.. Masisira ang make-up ko kung iiyak ako ngayon..

Biglang hininto ni Gab ang sasakyan at tumingin sakin. Hinawakan nya ang kamay ko, “Alam kong kaya mo yan.. Malakas ka diba? Nandito naman ako eh.. Aalalayan kita..” sabi nya sabay ngiti sakin.

“I know, kaso mas masakit yung nalaman ko eh.. Bakit ganun? Talaga bang kahit pano, minahal nya ako?”

Napakunot ang noo ni Gab ng sabihin ko yun, “Nalaman mo? Bakit? Ano ba ang nalaman mo?”

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now