{MMH} *Ch. 4

1.2K 23 8
                                    

{MMH} *Ch. 4

 

~CLENERY’s POV~

 

“Mr. Stealer, ano sa tingin mo? Bagay kaya sakin tong ganitong design na wedding gown?” tanong ko kay Mr. Stealer habang tinitingnan yung wedding gown sa isang catalogue.

Hinintay ko na sumagot sya pero wala. Nakatahimik lang sya kaya tinanong ko sya ulit. Baka hindi lang nya narinig, “Gab. Bagay ba to ah?” sabi ko habang pinapakita sa kanya yung picture kaso nakatingin lang naman sya ng diretso at parang ang lalim ng iniisip.

Problema nito? -__-

“Uy. Gab.” Sabi ko habang winawagayway yung palad ko sa mukha nya, “Gaaab? Hello?”

“H-ha?” bigla naman syang natauhan at tumingin sakin.

Tiningnan ko naman sya na parang nagtataka sa kinikilos nya, “May problema ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo dyan?”

Ngumiti nalang sya at kinuha yung catalogue sakin, “Eto ba? Bagay sayo. Lahat naman bagay sayo eh.” Tumingin sya sakin, “Kaya hindi ka na dapat nagtatanong.”

“Sus. Wala akong panahon sa pambobola mo dyan. Akin na nga yan. Baka may mas maganda pa kong makita.” Sabi ko sabay kuha ulit ng catalogue.

Nandito kami ngayon sa CM. Dito namin naisipan na tumambay muna. Tutal kailangan ko na din ayusin ang wedding namin nung magiging husband ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala. -__-

Natahimik naman si Gab dun habang ako ay patuloy na nagtitingin sa catalogue. Grabe, wala akong mapili sa mga to. Lahat kasi magaganda. Parang gusto ko lahat. >.>

Ililipat ko na sana sa next page yung catalogue ng bigla namang nagsalita si Gab, “Clenery. Bakit sumang-ayon ka kila Shelbie na ako yung groom mo?”

Napatingin naman ako sa kanya, “Ha? Ah, yun ba? Ayoko lang isipin pa nila yun kaya sinabi ko na ikaw na nga lang. Para iwas topic na din. Nga pala, about dun, sorry.”

Kakagaling lang kasi namin kila Shelbie. Yung pinsan ko. Binisita lang namin sila kasi ang tagal ko na ring hindi sila nakita simula nung umalis ako. Eh nung ipapasyal sana namin sila ni Gab bigla nilang naitanong sakin yung about sa arranged marriage ko. Tinatanong nila kung sino daw ba ang groom ko kaso hindi ko naman sila masagot dahil kahit ako hindi ko alam.

Biglang sinabi naman ni Shella na kapatid ni Shelbie na si Gab daw ba yung groom ko. Kaya napa-oo nalang ako kasi hahaba pa ang usapan kung itatanggi ko. At isa pa, awkward pa rin ako kapag yun ang pinaguusapan.

Ngumiti si Gab, “Ok lang yun. Atleast kahit man lang dun, naging groom mo ko.”

“Mr. Stealer.” Sabi ko. Naaawa na kasi ako kay Gab eh. Hindi ko man lang maibalik sa kanya yung nararamdaman nya para sakin. :(

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now