{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?

1K 20 7
                                    

{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?

 

~CLENERY’s POV~

 

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Agad na bumungad sakin ang isang puting kisame.

Pinikit pikit ko ang mga mata ko para maging maayos ang paningin ko.

Aaahhh. Bakit ganito? Pakiramdam ko namamaga tong mga mata ko. Ang bigat idilat. >.<

Dahan dahan akong umupo sa kama. Alam ko naman kung nasaan ako ngayon. Sanay na ko sa lugar na to. Halos ito na nga ang naging bahay ko noon nung mga panahon na iniwan nya ako.

Naalala ko na naman ang araw na yon. Ang araw na iniwan nya akong mag-isa.

Napangiti ako ng sarkastiko. Nagagalit na naman ako. Tanda ko pa noon ang nangyari sakin nang iwan nya ako. Halos masira na ang buhay ko. Tapos heto, bumabalik sya.

Napailing ako at itinaas ko ang dalawa kong tuhod. Nilagay ko ron ang dalawa kong braso at yumuko.

Ayoko ng alalahanin pa ang nakaraan. Gusto ko ng maalis yun sa isipan ko.

Minsan naiisip ko na sana mauntog ako o kahit ano basta maalis lang ang alaalang yun sa isipan ko.

Basta hindi lang ako masaktan ng mga alaala nya.

Naramdaman ko na may pumasok mula sa pintuan ng kwartong to.

“Good Morning beautiful.”

Napaangat ang ulo ko at tiningnan ko sya.

Nakangiti sya ngayon sakin habang nakapamulsa ang dalawang kamay at nakasandal sa pintuan.

Cool and hot at the same time. What do you expect? Si Gabriel Stephen yan.

Napatawa sya at naglakad papunta sa direksyon ko.

“Ayos din ang itsura mo ah. Parang may kumagat na insekto sa dalawa mong mata. Hahaha.” Sabi nya sabay upo sa kama. Kaharap ko sya ngayon.

Ganun lang, isang pangaasar nya lang sakin nakalimutan ko na agad ang mga naisip ko kanina.

Napapout ako sa sinabi nya at inirapan sya.

“Sige lang. Asarin mo pa ko.” Sabi ko ng nakasimangot.

“Hahaha. Sige. Sabi mo yan ah.” Tiningnan ko sya ng masama, “Hahaha. Easy love. Pinapatawa ka lang eh. Nakakasawa na kasi pakinggan yang iyak mo. Tumawa ka naman.”

Napaiwas ako ng tingin sa kanya kaso bigla nya naman akong hinila palapit sa kanya at niyakap. Niyakap ko din sya. Bakit ganun? Parang namiss ko sya?

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now