{MMH} *Ch. 34 - Is There Really A Happy Ending?

631 17 6
                                    

{MMH} *Ch. 34 - Is There Really A Happy Ending?

 

~ATE KEITH’s POV~

 

“GAB!” Tawag ko kay Gab na nakasandal sa pader ng hospital.

“Ate Keith.” sabi nya pagkalingon na pagkalingon nya sakin.

Agad agad akong tumakbo sa kanya na puno ng pag-aalala ang mukha, “Gab, anong nangyari?! Bakit nandito si Marc?! Ok lang ba sya?! Anong sabi ng doctor?!” sunod sunod kong tanong sa kanya.

Nakayuko lang si Gab habang tinatanong ko sya, “Hindi ko din alam, Ate Keith. Wala akong alam..”

Napatulala ako sa sinabi ni Gab.. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon. Wala namang nababanggit si Marc tungkol sa kalagayan nya. Hindi na nga kami gaanong nakakapag-usap ng maayos.

Ilang saglit pa ay nagsi-datingan na sila Patrick at iba pa nilang kaibigan. Pero hindi pa rin lumalabas ang doctor sa emergency room. Ano na ba ang nangyayari sa kapatid ko? Wala naman sanang masamang nangyari sa kanya. Dahil kung meron hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa kapatid naming si Queeny at kay Storm lalong lalo na sa parents naming dalawa.

Ininform ko na ang parents namin tungkol dito after akong tawagan ni Gab. Nasa US sila dahil sa business trip pero sinabi nilang uuwi sila agad dito para malaman ang kalagayan ni Marc. Hindi ko na rin muna ipinaalam sa dalawang bata ang nangyari kay Marc.

Si Clenery naman ay hindi pa din ma-contact hanggang ngayon. Alam na din ng mga kapatid nya at ng parents nya na umalis sya sa bahay nila ni Marc. Ang alam ko ay uuwi silang lahat pero hindi ko lang alam kung kailan.

Ilang sandali pa ay nakita naming lahat ang pagbukas ng pinto ng E.R at lumabas ang doctor. Agad ko naman syang pinuntahan para itanong kung kumusta na ang kapatid ko.

“Doc! Ano po? What happened to him? Is he okay? Please doc. Tell me, he’s okay, please.” mangiyak ngiyak na tanong ko sa doctor.

Tiningnan ako ni Doc. Wala akong makita na anomang emosyon sa kanya. Bakit? Dapat ba kong matakot sa ipinapakita nya?

Nag-aabang ang lahat sa sasabihin ni Doc. Nagsalita sya,  “Ikaw ba ang pamilya nya? Kaano-ano nyo ba ang pasyente?”

“Ako po ang kapatid nya doc at mga kaibigan nya sila. Ano na po? Kumusta po si Marc?”

Napabuntong hininga sya at saka muling tumingin samin, “I don’t know how to say this but… He’s not doing well.”

Nagulat ako sa sinabi nya at saglit na natigilan, “W-what did you mean by that, doc? What are you saying?”

Hinawakan ako sa balikat ni doc at saka nagsalita, “Wag sana kayong mabibigla sa sasabihin ko. But it looks like wala kayong kaalam alam sa tunay na kalagayan ng pasyente.”

“Bakit doc? Ano po ba ang tunay na kalagayan ni captain este ni Marc?” Tanong ni Patrick.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang