{MMH} *Ch. 14 - Trouble, Unexpected company and...... New Guy?

1.1K 21 13
                                    

{MMH} *Ch. 14 - Trouble, Unexpected company and...... New Guy?

 

~CLENERY’s POV~

 

“Clenery dear. Pwedeng umupo.” Nakangiting sabi sakin ni Kat.

Tiningnan ko sya ng ‘may-gana-ka-talagang-sabihin-sakin-yan-look’ at umiwas naman sya ng tingin.

Nandito kami ngayon sa mall. Tinawagan ko silang tatlo para may makasama akong mag-ayos ng mga dapat ayusin para sa rush wedding ko. Take note. Silang TATLO lang ang tinawagan ko. No more no less. Pero tingnan nyo naman ang mga nasa harapan ko ngayon.

Isa isa ko silang tiningnan na anim. Mukha namang mga kinabahan silang lahat. Dapat lang. Dahil hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. -__-

Alam nyo ba yung feeling na OP ako? Pano, etong si Kat kasama si Ken. Si Kitzie kasama si Ivan. Si Cyclone kasama si Dennis. Srsly? Sinong hindi maiinis? Ok lang sana kung kasama ko si Gab dito para kahit pano hindi naman ako OP diba? Kaso may lakad daw si Gab kasama si Jheszy. Aware ako na magkakilala na silang dalawa. Nasabi din kasi sakin ni Jheszy na nagpunta daw si Gab sa office ko nung may appointment kami ni Marc kay Madisson.

Kararating ko lang dito. Actually nagmadali pa ko dahil excited ako. Syempre naman. Makakasama ko silang magprepare at alam ko na sobra nila akong matutulungan dito. Pero mukhang mali ako. For sure kasi nasa mga boyfriend nila ang atensyon nila. Triple date yata ang tingin nila dito sa rush wedding preparation ko. ~.~

Nakatayo pa din ako at tiningnan sila ng seryoso, “So anong balak nyo ngayon? Gawin akong chaperon? Pinapaalala ko lang. Preparation to para sa wedding ko tapos kasama nyo mga boyfriend nyo?”

“Sakit naman non Ms. Clenery. Parang hindi kame welcome.” Sabi ni Dennis.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at napa-ehem nalang sya at umiwas ng tingin.

“Clenery naman. Gusto lang naman namin mag-bonding eh. Saka kilala mo naman sila diba?” sabi ni Kitzie.

“Wala akong kasalanan Clenery. Lagi kasing bumubuntot tong isang to saken. Nakakairita.” Sabi ni Cyclone na ang tinutukoy ay si Dennis.

“Sobra ka naman Cyclone! Eh ikaw nga tong inaya ako---“ napahinto sya dahil tiningnan sya ng masama ni Cyclone. Tumahimik nalang sya dun.

“Clens dear~ Hayaan mo na. Promise! Di ka namin io-OP!” Sabi ni Kat na nakataas pa yung kanang kamay.

“Tama si Kat don Ms. Clenery. Wag ka mag-alala. Tutulungan ka namen.” Sabi ni Ivan na nakangiti din.

“Gagawen namin lahat para sa preparation ng wedding mo. Makakaasa ka Ms. Clenery.” sabi naman ni Ken.

“Teka, teka nga.” Napabuntong hininga ako at tiningnan ko yung mga lalaki, “Pwedeng wag ng lagyan ng Miss ang pangalan ko? Parang napaka-formal eh. Clenery nalang.” Tumango naman silang tatlo sakin, “Well. I guess wala na kong magagawa pa. Tutal nandito naman na kayo. Make sure na matutulungan nyo talaga ko ah. Kailangan na kasing madaliin to.”

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now