{MMH} *Ch. 9

1.1K 24 3
                                    

{MMH} *Ch. 9

 

~CLENERY’s POV~

 

“Tsk. Pasalamat sya at may naiwan pa syang mga damit nya dito. Dahil kung wala, mamamatay sya sa lamig.” Bulong ko habang naghahanap ng pwedeng ipamalit ng taong nasa sala ngayon.

Nang may makita ako ay agad akong lumabas ng guest room. Inayos ko na rin yon para pwede nyang matulugan mamaya.

Pagkalabas ko naman ay nakita ko syang nakaupo sa couch at parang inoobserbahan ang condo ko. Lumapit ako sa kanya kaya napatingin sya sakin. Tiningnan ko sya ng masama, “Oh! Magpalit ka na! Mukha kang basang sisiw dyan!” sabay hagis sa kanya nung t-shirt at pajama.

Nasalo naman nya kaagad at tumayo, “Gwapo ko namang sisiw.” Sabi nya sabay wink at tinalikuran ako.

Nanlaki naman ang mga mata ko dun. Teka, kinindatan nya ba ako?! >_<

Tiningnan ko sya at papasok na sya ng C.R, “HOY! NAULANAN KA! HINDI KA SINAPIAN!” sigaw ko na nagpatawa naman sa kanya.

Srsly? Anong nangyari sa isang yon? Ang sungit sungit tapos biglang ganun? Tss. Napaka-bipolar talaga. -__-

Nagpunta nalang ako sa kitchen habang nagbibihis sya. Kanina kasi matapos nyang sabihin ang mga salitang yon ay biglang bumuhos ang ulan kaya wala na kong nagawa kundi patuluyin sya dito. Late na din kasi at basang basa kami. ~__~ Delikado kung papaalisin ko pa sya. Hindi pa naman sira ang konsensya ko. Ang puso ko pwede pa. >.>

Nag-aayos lang ako ng pagkain doon nang bigla namang bumukas ang C.R. Kita sa peripheral view ko na lumabas na sya at naglakad papunta sa harap ko.

Umupo sya doon, “Sakto. Gutom na ko.” Sabi nya sabay kuha ng pagkain sakin.

Nabigla naman ako sa ginawa nya kaya nung isusubo na sana nya ang kutsara na may pagkain ay agad ko itong inagaw. Nagulat sya sa ginawa ko kaya napatingin sya sakin, “Bakit?”

Tinaasan ko sya ng kilay, “Wag mong sabihin na hindi ka pa nakakakain? Nandun ka sa welcome party kanina diba?”

Iniwas nya ang tingin nya sakin, “Sa tingin mo ba sasabihin ko na gutom ako kung kumain na ko?” sabay tingin ulit sakin.

“Wag mo kong pilosopohin at sungitan ah. Di tatalab sakin yan.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Napa-tsk nalang sya at bigla nyang hinila ang kamay ko na may hawak na kutsara kaya napalapit ako sa kanya.

Ilang inches lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Shems~ nakatitig pa sya. >.<

Ilang sandali pa ay ibinaling nya ang tingin nya sa kutsara mula sa mukha ko.

Napangiti sya at kinuha ito. Napaayos naman tuloy ako ng tayo at tiningnan lang sya na ngayon ay kain ng kain. Tss. Gutom nga talaga. -__-

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now