{MMH} *Ch. 30

702 17 2
                                    

{MMH} *Ch. 30

~GAB’s POV~

Magkakalahating oras na kami dito. Nang sundan ko sya kanina at nalaman ko ang direksyon ng pupuntahan namin, nagkaroon na ko agad ng idea kung saan talaga kame maguusap.

Itong lugar na to. Mukhang eto talaga ang tamang lugar pag maguusap kame ng masinsinan ng isang to. Napa-smirk ako sa naisip ko. Anak ng. Kung nagsasalita lang tong lugar na to baka nabunyag na nya ang mga sikreto namin ni Marc. Tsk.

Simula nung dumating kame dito hindi pa nya binubuksan ang topic na dahilan kung bakit kame nandito ngayon. Pinabayaan ko lang sya. Gaya ng sabi ko, hindi ako ang dapat mauna. Kundi sya. Dahil sya ang may sasabihin at hindi ako.

Dito namin noon pinag-usapan si Clenery. Kung ano talaga si Clenery sa kanya at nakuha nyang ipagpalit ang kwintas na binigay sa kanya ng mama nya para kay Clenery. Dito din sa lugar na to ako sumuko kay Clenery. At dito rin naganap ang pagpapaubaya ko. Dito ko binigay ang blessing ko para sa kanilang dalawa ni Marc. At higit sa lahat, dito ako nanumpa na walang makakapagpahiwalay sa kanilang dalawa kundi ako lang.

Naramdaman ko na huminga sya ng malalim at tumayo ng maayos. Kanina pa kame nakatayo dito at nakatingin lang sa view sa labas. Nag-usap kame ng kung anu-ano pero hindi pa rin napupunta sa dapat na paguusapan naming dalawa.

“Stephen.” Tinawag nya ko kaya napatingin ako sa kanya. Parehas nakapamulsa ang mga kamay naming dalawa. Medyo malamig eh. Sh*t kasi. Ang lakas pala ng aircon dito. -__-

“Do you still remember what I told you that day when we came back here in the Philippines?”

Ahh. Yun ba? Yung araw na pinagulo na naman nya ang utak ko dahil sa mga bilin nya na hindi ko naman maintindihan kung bakit lumabas yon mula sa mga bibig nya.

“Oo. Tanda ko pa.” nakita ko na ngumiti sya ng kaunti. Pero may kakaiba sa mga ngiti nyang yon. Sa tagal kong kakilala si Marc kabisado ko na siguro ang ilan sa mga galaw nya. Pero hindi lahat.

“Ano yung sinabi ko sayo?” tanong nya.

Tumingin akong muli sa harapan at saka sya sinagot, “Sinabi mo na wag kong ibuhos kay Jheszy lahat at wag kong tuluyang bitawan si Clenery. Sinabi mo rin na tuparin ko sana ang pangako ko na bantayan si Clenery kahit kayo ng dalawa.”

Tumango sya at ngumiti, “That’s right.”

“Pero Marc,” naramdaman ko na tumingin sya saken, “Hindi mo ba naisip na torture tong pinapagawa mo saken?” sabay tingin sa kanya.

Ngumiti sya saken, “I know. But I also know that you are strong enough and you can handle that.”

Napangisi ako sa sinabi nya. Loko pala to eh. Ilang beses na ba kong umiyak dahil sa asawa nya? Tss.

“Ano ba talagang problema mo, Marc? Sabihin mo na saken.” Seryoso kong sabi sa kanya pero iniwas nya ang tingin nya sakin.

“Malaki ang problema ko.” seryoso nyang sagot.

“At hindi ko alam kung kakayanin nya ang lahat. Kaya gusto ko na lagi kang nandyan sa tabi nya, Stephen. Alam kong unfair yun sayo at kay Jheszy. Pero wala na kong alam pang ibang paraan para hindi sya bumigay.” Dagdag pa nya.

“Bakit naman nya hindi kakayanin, Marc? Siguro naman maiintindihan ni Clenery kung ano man yang problema mo. At pano bang malaki? Takte naman Marc! Wag ka na ngang paligoy ligoy pa! Diretsahin mo na ko!”

Medyo tumaas na ang boses ko sa kanya. Ayoko kase ng ganito. Bigla akong kinabahan sa mga sasabihin nya. Sh*t. Sana lang mali ang conclusion ko. Sana iba ang problema nya sa naiisip ko.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon