Chapter 13 || Secret Revealed!

75 6 3
                                    

Comment guys . . .


"Nasaan si Jael?"  Tanong ko ulit pagkarating sa bahay niya.


"Ahm, naroon po siya sa kwarto niya."


Habang paakyat ako doon ay hindi matigil sa panginginig ang mga kamay ko. Ano ba talaga ang meron sa loob?


(Tok! Tok! Tok!)


Mga tatlong beses akong kumatok.



"Ah! Marie, ahm . . . nariyan ka pala. Ah . . . may kailangan ka ba?"  Gulat niyang sabi nang makita ako.



"Wala naman . . . Um, ano bang ginagawa mo dyan?" Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.


"Ah, wala. Tara sa baba."



"Ahm, pwede ba akong pumasok sa kwarto mo? May titingnan lang ako."



"Ah, eh ano bang titingnan mo?"  Namumutla na ang mukha niya.



"Bakit ba parang may tinatago ka sa akin dyan sa loob ng kwarto mo? Papasok lang naman ako at titingnan kung ganoon pa rin ayos niyan."



Kahit pinigilan niya ako, pumasok pa rin ako sa loob . . .


Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko.


"Ano ito? Bakit may mga gamot dito? Nagda-drugs ka ba? Bakit ang gulo ng kwarto mo?"



May nakalagay na gamot sa kama niya. Meron din sa mesa at sa cabinet. Hindi ko alam kung anong nangyayare.



"Sabihin mo nga sa akin, Jael . . . May itinatago ka ba sa akin?"



Pero hindi siya sumagot.





"Jael, sabihin mo na! Anong bang sinesekreto mo pa sa akin?"






"Marie, wala. Mga gamot lang yan."



"Pwede ba, Jael? Kutob ko na may itinatago ka sa akin.  Kaya sabihin mo na, ngayon din!!"



Hindi ko pa alam kung ano iyon, pero naluluha na agad ako. Hindi ko talaga siya tinigilan dahil gusto ko talagang malaman ang totoo.



"Jael! Sabihin --- "


"Okay, sasabihin ko na lahat! . . . . "



"May sakit ako . . . "



Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Mabagal ang paghinga ko na nakatitig sa kanya at hindi makapagsalita. Nakatungo lang siya na naiiyak.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endangered Secret (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon