Chapter 10 || Double Time

90 15 10
                                    


++++++++++

Paggising ko, nasusulo ako sa ilaw sa itaas. Nasaan ako?






Bahagya akong tumingin sa paligid. Nakita ko si Jael na papalapit sa akin.







"Am i dead?" Mabagal kong tanong sa kanya. Pero sa halip na sumagot, niyakap niya ako.







"I'm sorry . . . I'm sorry." Paulit-ulit niyang binubulong sa tenga ko habang hinahaplos ang buhok ko.







"Nasaan ba tayo?"







"Nasa hospital."







Bigla namang may dumating na nurse at nagcheck sa akin. Sinabi niyang okay na daw ako at pwede ng makalabas. Pakiramdam ko nga, okay na ang lagay ko.







___







Sa loob ng maraming buwan matapos ang pangyayaring iyon, maraming pagbabago ang naganap. Nakatapos na rin ako sa wakas sa pag-aaral. Plano kong magtrabaho sa ibang bansa sa susunod na taon. Kung tungkol naman kay Jael . . . asensado naman iyon sa buhay eh.







Kahit nakatapos na kami sa pag-aaral, hindi kami nawalan ng communication. Palagi niya akong tinatawagan. Hilig din namin ang panonood ng movie. Isang beses sa isang linggo kaming magdate.







Oo . . .








For short, he's courting me. ^__^







Eto yung panahon na pinakahihintay ko!







Na mahalin ka din ng taong mahal mo.







___







(Kring . . . Kring)







"Hmm?"







"Good morning!"







Ang malambing na boses niya ang laging nagpapaganda ng umaga ko. Minsan pa nga bumisita siya dito ng hindi ko inaasahan.







"Haaayy!" Humihikab pa ako pagkalabas ko ng kwarto. Ang gulat ko na lang nang bigla siyang magsalita.








"Mas maganda ka pala kapag bagong gising."







Pero halata naman sa hitsurang nagloloko siya.







"Um, ang aga mo naman ata ngayon! Kumain ka na ba?"







"Kanina ka pang hinihintay ng boyfriend mo dito. Ang tagal mo bago ka makagising." Singit pa ni mama habang namamalantsa ng uniform ni Sheen.







"Dapat ginising nyo ako, ma."







"Gigisingin na sana kita eh, sabi ng boyfriend mo hintayin ka na lang daw niya magising dahil baka kasarapan pa ang tulog mo."







Hay, si mama talaga. Hindi ko pa naman boyfriend si Jael eh. Si Jael naman, ngumingiti sa akin kapag sinasabi ni mama na boyfriend ko siya. Gusto nila kasi si Jael para sa akin, eh. <3







___







Ang totoo niyan, sanay na si Jael na magbike tuwing umaga. At ngayong umaga, niyaya niya akong samahan siya sa pagba- bike. Mahilig din naman akong magbike, kaya marahil easy lang sa katawan ko kahit medyo mapagod ako.







Endangered Secret (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon