Chapter 9 || Relax, Please!

80 15 6
                                    


++++++++++++++++

Naawa ako kay Reujael nang sabihin niya iyon. Naalala ko nang sabihin niyang wala na siyang ina, tapos hindi naman sila laging nagkikita ng kanyang ama. Para siyang batang uhaw sa pag-aalaga ng magulang.

___

Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako! Paggising ko, may nakapatong na kumot sa likod ko. Nakatulog kasi ako sa may upuan.


Pagtingin ko sa kama, wala na siya! Bumaba ako sa may kusina at nakita ko siya doon --- nagkakape na!


"Bakit bumangon ka kaagad? May lagnat ka pa di ba? Baka mabinat ka niyan. Nagpadala ka na lang sana sa kwarto mo ng kape o kaya ay ginising mo ako."


Sunod-sunod akong nagsalita pero mahinahon naman ang boses ko. Ngumingiti - ngiti lang siya sa akin.


"Don't worry. Magaling na ako . . . Madali kasing maumay sa akin ang lagnat." Mayabang niyang sabi.


"Ang bilis mo namang gumaling! Tiyak na may sinat ka pa ngayon kaya huwag kang magyabang diyan."


"Oo na, may sinat pa ako. But i feel great now . . . i feel fine . . . okay."  Then he smiled.


"This is . . . because of you."



Parang ako ata ang sunod na lalagnatin, ah! Pakiramdam ko na nag - iinit ang pisngi at tenga ko. Hindi rin ako nakakilos sa kinatatayuan ko.


"M-Me . . . ? Why me?"


Tumingin muna siya sa akin na parang nagtataka.


"Di ba sinabi mo, sana gumaling ako kaagad? Oh, heto. Dininig ang panalangin mo."  Sabay higop pa ng kape.


Napangiti na lang ako. Nakita ko naman si manang na pangisi-ngisi at halatang kinikilig. Mas kinikilig pa nga ata kesa sa akin.


"Thank you."
Simple at mahinahon niyang boses. Nakaka-in love pakinggan.

"Wala 'yun. Basta, ingatan mo palagi 'yang katawan mo para hindi ka madapuan ng sakit."

___

Niyaya niya akong magbreakfast. At talagang kami lang dalawa sa malaking mesa.
Awkward.

Naalala kong may trabaho nga pala ako! Kaya nagmadali akong nagpaalam sa kanya.
Sinabi niyang ihahatid na lang daw ako ng driver niya.


Nang papalabas na ako ng pinto, tinawag niya ako . . .

"Marie!"

"Thanks again."


Napangiti na naman niya ako. ^___^


"Welcome!" Sigaw ko. "Inumin mo ang gamot mo!"

"Yeah, i know."
___

Hindi ko makalimutan lahat ng nakakakilig niyang sinabi.

"Huwag mo akong iwan."

"This is because of you."

"Marie, thanks again."

And all his cute and lovely smiles at me.

Laging nagpa - flashback sa utak ko. I feel . . .

___

Gosh! Late akong nakarating sa trabaho ko!


Hindi maganda ang tingin sa akin ng manager ko. Lagot na!

Endangered Secret (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon