Chapter 12 || The Secret

52 12 8
                                    

Vote guys...

+++++++++++++++++++

Ano namang nakain ng lalakeng ito?


"Marie, pakasalan mo ako. Please . . . " At lumuhod siya sa harap ko.


"Tumayo ka nga dyan. Ano bang . . . Ano bang nangyayare sa'yo? Bigla-bigla ka naman, eh."


"Please, pakasalan mo ako sa lalong madaling panahon."


"Huh???!" Nakakalito talaga siya. "Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit gusto mong pakasalan kita? Eh, hindi nga kita boyfriend eh."



Napakaseryoso ng mukha niya ng sumunod na nangyare. Ewan ko ba kung bakit parang nagmamadali siya.


"Marie, ang totoo niyan, matagal na akong . . . " At kinapitan niya ang magkabila kong balikat.


" . . . Matagal na kitang mahal."

O______O


A-Anong sinabi niya?


"Handa kong gawin ang lahat para sa'yo basta't pakasalan mo ako. Pinapangako ko sa'yo na hindi ka magsisisi kung ako ang pipiliin mo, hindi si Reujael."


"Gabriel, pagmamahal ba talaga ang dahilan kung bakit gusto mong pakasalan kita? Nararamdaman kong may tinatago ka na maaaring iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka."


Tumalikod siya sa akin at sinabunutan ang buhok niya.


"Ano ba talaga ang dahilan?"


"Si mom." Mahina niyang sabi.

"Si mommy mo na naman? Dati si mommy mo rin ang dahilan kung bakit kinailangan kong maging short time girlfriend mo. Ano bang gusto ng mommy mo?"


"Gusto na niya akong ipakasal kay Lory. Pero hindi ko naman iyon mahal . . . "


"Ikaw ang mahal ko . . . " Sabi niya pagkaharap sa akin.


"Gabriel, I'm sorry . . . Pero hindi na kita matutulungan. Iba na kasi iyan. Mas seryosong bagay iyang gusto mo."


"Naiintindihan ko naman. Si Reujael talaga ang gusto mo. Pero hindi pa rin ako titigil, Marie. Makukuha kita sa kanya."


Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. Hanggang sa dumating na nga ang mga araw na hindi niya ako tinitigilan. Palagi siyang pumupunta sa bahay, nagtetext or tumatawag. Nagdadala siya ng mga kung anu-ano sa bahay.

___

"Kanina ka pang hindi nagsasalita dyan. May problema ba?"


"Wala naman, Jael. May naalala lang ako. Ahm . . . saan ba talaga tayo pupunta?"

"Basta, malapit na tayo."

Pagkarating namin, nakita kong ang daming ilaw sa paligid. May mga kandila na nakatirik sa lupa. At, mga bulaklak na naka-arrange sa dinadaanan namin. Habang naglalakad, binigyan ako ni Jael ng isang bouquet ng red roses at ang bango! Natanaw ko naman ang isang napakagandang garden na may dalawang upuan na sa tabi roon ay may orchestra na tumutugtog ng romantic music. Napakasarap pakinggan.


Parang gusto kong magtanong, pero hindi ko na nagawa. Pagka-upo namin, hinawakan niya ang kamay ko.


"This is our day. This is our night. This is my time that I'm telling how happy i am when I'm with you, when you smile, when you're always there for me when I'm down , and when i realized, that you are my one . . . in six billion."


Endangered Secret (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang