Chapter 5 || Expect the Unexpected!

81 18 6
                                    

Vote/Comment/Follow

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Grabe, napakayaman talaga ni Reujael! Alam nyo ba, sobrang laki at sobrang ganda ng bahay niya? Ang gaganda ng mga paintings tapos 'yung paligid, pinaganda ng mga landscape at ng malaking swimming pool!"

Mmm, mukhang nasiyahan si Tanya sa pagpunta sa bahay ni Jael. Pero nakakarindi na siya, huh! Para siyang manok! Kanina pa kasi siyang putak ng putak, eh. Obviously, nagpapahili lang siya sa ibang classmates namin.

"And I'm sure, ang project namin ni Reujael ang pinakamaganda sa lahat . . . !"

Aba! Nagyayabang ka naman ngayon Tanya, ah!
. . . Sandali nga lang, bakit hindi pa rin dumadating si Jael? Absent kaya siya? Malapit na kasing magsimula ang klase eh.

( After 15 minutes . . . )

Absent nga siya . . . Ano kaya ang nangyari sa kanya . . . ? May sakit kaya siya . . . ? Or baka naman sumakit ulit ang ulo niya . . .? Or tinamad lang . . . ? Ano ba itong nararamdaman ko?

Ang bigat!!

(After morning classes . . . )

"Ow, Ms. Marie Westwood . . . Mukhang sad na sad ka ngayon, ah. Hulaan ko, . . . problema ba sa pera, family, lovelife or si . . . Reujael?"

Pwede bang magsinungaling kahit konti?

- "Ano bang klaseng tanong iyan? Hindi noeh! Hindi ito tungkol kay Jael! . . . . Tigilan mo nga ako, Jovanni!"

~Si Jovanni, isa sa mga classmates ko na nagiging ka - close ko na rin. Mabait kasi siya kaso may pagka - praning din. Maraming kalokohan sa buhay . . .

"Ano kaya kung pumunta tayo ng mall. Ano sa palagay mo?"

Mall? Niyaya niya akong mag - mall? "Hoy! Nag - iisip ka ba? Malayo ang mall sa school natin! At saka, wala akong pera papunta doon! Wala din naman akong bibilhin."
Ano naman kaya ang nakain nito at naisipang mag - mall?

"OK lang kahit wala kang bibilhin. Kasi ililibre na kita sa pamasahe. At isa pa, marami tayong kasama . . . . . 'yung mapera ba? Si Dhemoare, si Ryan, Carlos . . . ahmm si Hazel, Lia at Tanya. May iba pa nga na gustong sumama . . . Oh, di ba? The more, the merrier!"

Nasabi ba niya si Tanya? Hay naman! Hindi ko gustong kasama ang babaeng iyon!

"Kung ganoon, magka - cutting classes tayo? . . . Ayoko nga!"

"Ano ka ba? Hindi masasabing cutting classes 'yun, eh. Babalik naman tayo dito sa school. Kaya nga lang, 3:00 tayo babalik dito. Nabalitaan kasi namin na, may meeting ang mga profs mamayang 1:00 hanggang 3:30 . . . Ano? Game?"

Nabalitaan? Aba, may pagka - tsismoso din pala ang lalakeng ito. Pero, ano kaya kung sumama ako? OK lang naman siguro iyon. Boring naman kapag maunti na ang naiwan dito. "Sige, sasama ako. Basta treat mo ako, huh? Wala kasi akong dala na pera ngayon, eh."

"Yes, madam! Ililibre kita!"

--

Kaya pumunta na kami ng mall. Masaya din naman na kasama ko ang iba ko pang classmates. Hind pala sila nakaka - out of place except lang kay Tanya . . .

"I like this dress!"

Weee?? Paenglish - english pa itong si Tanya. Eh di bilhin mo! Kung may pera ka, eh.

"Marie! Punta ka dito! Affordable ang damit dito at ang gaganda pa!"
Tinawag ako ni Dhemoare at mukhang mura nga ang mga damit doon. Pumili ako ng tatlo tapos sinukat ko na sa fitting room. Inuna ko 'yung black shirt, pero masikip sa akin. Ganoon na ba ako kataba? Then, 'yung white shirt naman, maluwag sa akin. Walang pasuotan ang mga damit na ito!
Last na ito . . . itong shirt na dark b --- ."

Endangered Secret (On Going)Where stories live. Discover now