Chapter 2 || With him? That is not a Dream!

101 21 11
                                    



Dinala ako ni Jael sa hospital. Sabi niya, kailangan daw iyon na mapatingnan ng ayos at siya na daw ang magbabayad of course siya ang may kasalanan. Ang bait naman niya!



Lumapit kami sa isang nurse. "Oh, kayo pala, sir Ivan. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?," sabi ng nurse sa kanya. Kilala siya ng nurse?


"Ipapagamot ko itong kasama ko. Natapunan ko kasi siya ng hot coffee kanina," sagot ni Jael.


"Ganoon po ba? Sige, ako na po ang bahala sa kanya." Habang ginagamot ako, naghihintay naman si Jael sa labas.



"Miss, girlfriend ka ba ni sir Ivan?," tanong ng nurse sa akin. Nabigla ako sa tanong niya. Ano kaya ang dapat kong isagot? Pwede ko naman sabihing oo. Hindi, hindi! Im honest. Assuming naman ako. Charot!



"Hindi ko siya boyfriend, classmate ko siya." Yan ganyan nga, Marie!

"Alam mo, napakapalad ng magiging gf ni sir. Kasi napakabait niyan, maalalahanin, gwapo, mayaman at responsable . . . " Pabulong na sabi sa akin ng nurse. Pero halatang kinikilig.

". . . Kaya nga lang . . ."

Hindi naituloy ng nurse ang sasabihin niya nang kumatok sa pintuan si Jael. Sayang! Mukhang may secret pang sasabihin yung nurse!

___

Umalis kami ng hospital sa oras na 12:30. Pero 1:00 ang umpisa ng klase namin kaya 30 minutes na lang at mag - uumpisa na.

Nang malapit na kami sa way patungong school, dumiretso siya at hindi lumiko . . . "Teka, lampas na tayo, ah! Gising ka pa ba?," tanong ko sa kanya, baka nakatulog na eh. "Hoy! Ano ba? Huwag mo akong idamay sa cutting class mo!" Naku, saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito?

"Samahan mo lang ako ngayon . . ," mahinahon ang pagkakasabi niya sa akin. At dahil doon, naisip kong samahan na lang siya. Wala naman akong magagawa kung ayaw din naman niyang ihinto ang kotse niya eh. Alangan naman na tumalon ako palabas ng kotse niya, di ba?

Huminto kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Hanep sa sosyal ang restaurant na iyon, ah! Halatang mayayaman ang nasa loob. Pumasok kami doon at, teka nga lang. Kakain ba ulit kami?

Hindi pala! Dumiretso kaagad siya papuntang second floor at sinundan ko siya. Nang nasa second floor na kami, nakita kong may guard na nakabantay sa isang pintuan na meron doon. Mukhang doon papunta si Jael. Sino-sino kaya ang mga nasa loob at anong meron dun?

Pinapasok kami ng guard sa loob at . . . OH M!
Nanlaki talaga ang mga mata ko dahil isa itong . . . BAR! Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar. At ang mga teenager na narito, halatang mayayaman. Ahmmm . . . nasaan na si Jael? . . . Ano ba yan?! Patunga - tunganga ka kasi, Marie!!

Naglakad - lakad ako sa may gilid ng bar. Tingin dito, tingin doon. Paikot - ikot ang mga mata ko sa paghahanap sa kanya. "Ay!," nabigla ako nang may mabangga akong lalaki. "S-sorry po!"

"No, it's okay . . . ," ang mabait na sabi ng lalaki. " . . . May hinahanap ka ba rito?"

"Ah, oo. Hindi ko siya makita, eh. Amg dami kasing tao," sagot ko sa kanya. Nakaka - ilang naman!

Then, mas lumakas pa ang music!

"M_khan_ b_g_ ka l_ _g _it_. S_no ba ang h_ _ ah_n_p m_? B_ _ a ka_ila_ _ k_ . . ."

Hindi ko narinig ang sinabi niya. Kaya . . .

"Anong sabi mo??"

Lumapit pa siya sa akin at WOW! Sobrang bango niya! "Sabi ko, baka kilala ko kung sino ang hinahanap mo!!" Pasigaw niyang sabi.

Endangered Secret (On Going)Where stories live. Discover now