Chapter 6 || Mr. Cortez

116 19 5
                                    


Vote/comment/follow Guys!

+++++++++++++++++++++++++++++

"Right! Ikaw nga 'yung babae sa bar na nakausap ko at naghahanap kay Reujael! So . . . how are you?"

Ha! Grabe! FC siya! Nagawa pang mangamusta. Kaya sa halip na sagutin ko ang tanong niya . . .

"Ang init, no? Iba na talaga ang panahon ngayon."

"Eh? Siguro maysakit ka. Hello? Naka - aircon ang restaurant na ito, no!"

Aba! Marunong din palang bumanat ang lalaking ito.

"Alam mo ba, nag - iinit din ang ulo ko sa mga taong nakikita ko ngayon?"

Lalo na sa'yo!!

"Eh, sino ba diyan ang taong iyon?"

Nang - aasar ang tanong niya! Kaya diniretso ko na siya . . .

"Kung sino 'yun? . . . . . . IKAW!!!"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Teka, b-bakit ako? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo, ah!"

"Ahh, wala pala, huh? Wow naman, ang bilis mo yata na makalimot. Dinadalaw ka ba ni Ms. Amnesia or ni Mr. Alzheimer?"

Grabe siya, parang walang nangyari, ah. Pero sa halip na sumagot, bigla niya akong hinila papunta malapit sa CR!

"Hoy, ano ba? Bitiwan mo nga ako!!"

"Ano bang 'yang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan! Ano ba 'yung nakalimutan ko?"

Nakakunot - noo na siya sa pagsasalita. Siguro hindi nga niya matandaan o hindi lang talaga niya alam ang nangyari.

"Kasi, noong nasa bar ako, pinilit mo akong uminom ng alak na ang sabi mo hindi nakakalasing! Pero nalasing ako! Alam mo bang dahil doon, hindi ako nakauwi sa amin at nakatulog ako sa bar! Mabuti na lang at may isang matinong lalaki na naglayo sa akin sa bar na iyon!
Pero hindi lang doon iyon natatapos!"


"At may kasunod pa?"



"Oo! . . . Nang makauwi ako sa amin, hindi ko mapigilang masuka. Kaya nalaman ng mga magulang ko ang totoo at napagalitan tuloy ako!
Heee!! Nakakainis ka! Sabi mo hindi nakakalasing 'yung alak na binigay mo sa akin, 'yun pala . . . "

"Wait," at hindi niya ako pinatapos.

"Totoo 'yun. Hindi nakakalasing ang alak na iyon! Less proof 'yun, eh . . . Baka naman --- "

"Anong kasiyahan ito?"

Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya agad akong lumingon.

Si Jael!

Mukhang naiinis siya ng sabihin iyon . . . dahil siguro kanina pa sila naghihintay!

Kailangan ko nang umorder!

Pero bago pa ako humakbang, bigla niya akong tinanong . . .

"Kilala mo si Gabriel?"

So, Gabriel pala ang name niya.

"Ah, oo. Nakausap ko siya sa bar noong dinala mo ako doon. Sige, ma - order na ako."

Agad akong pumunta sa pilahan. Then, nakita ko na silang magka - usap.

Matapos maka - order ay bumalik na ako sa table namin. Hindi na nag - uusap sina Hazel at Ingrid.
Bumalik na rin si Jael na . . . parang may . . . kaba sa dibdib niya?

"Ayos ka lang ba, Jael?"

Napatingin agad siya sa akin na para bang nagulat. Siguro, nagtaka siya kung bakit ako nagtanong ng ganun. May kinalaman kaya ito sa pinag - usapan nila ni Gabriel?

Endangered Secret (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon