Chapter 4 || Can't Explain

76 18 5
                                    

Keep on voting! ^__^
Add this story on your reading lists!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Medyo late na akong nagising ngayon kasi wala namang pasok. Mamayang hapon pa naman ako pupunta sa bahay ni Jael kaya maglalaba muna ako, tambak na kasi ang labahin ko, eh. At nang matapos na akong maglaba, biglang may nag - message sa cellphone ko . . .

--

I'm sorry, Marie. I have an appointment at 6:30 with my bank manager that i dare n't be late for, so please come here now to finish that project.

RI.

--

Nosebleed naman ako sa kanyang text. May paini - initial pang nalalaman. Wait, paano niya nalaman ang number ko at ngayon na agad kami gagawa ng project? ..Hm, sige, OK lang. Tapos na rin naman akong maglaba, eh. Kaya maliligo na muna ako para makaalis na.

___

Ngayon ay nasa harapan na ako ng gate ng bahay ni Jael. Hindi ko pa pinapansin ang doorbell dahil pinagmamasdan ko ang kalakihan ng bahay niya na siya lang mag - isa ang nakatira. Pero habang tinitingnan ko 'yung bahay, tumambad sa paningin ko ang mukha ng isang guard . . .

"Ano naman ang kailangan mo, Miss?"

"Ahm, classmate po ako ni Reujael. Pinapunta po niya ako dito dahil gagawa po kami ng project."

"Ah, kung ganoon tatlo pala kayo. Nariyan na rin kasi 'yung isang magandang babae, eh. Sige, pasok ka." At pinatuloy ako ng guard.

Ano?! Narito na kaagad si Tanya? Ang bilis naman niya! Masyadong excited. Ano na kayang ginagawa nila??

Huhuhuhu . . .

"Bakit andito ka . . . ?"

Si Tanya! Mukhang mainit agad ang ulo niya nang makita ako. Hindi siguro sinabi ni Jael sa kanya na kasama nila ako.

"May pupuntahan kasi si Jovanni kaya pinasabay na niya ako sa inyo. Hindi ko rin naman kasi kayang gawing mag - isa ang project, eh. Alam mo namang mahirap 'yung gawin. Pumayag naman si Jael na -- ." Hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Eh pumayag ba ako?" Ang taray ng pagkakatanong niya saken. Nakakainis talaga ang babaeng ito!

"Eh, ayoko din naman na -- ."

"Huwag ka ng magsalita. Umuwi ka na lang!"

"Dito pa ba kayo mag - aaway sa bahay ko??" Mabuti na lang at dumating si Jael. Pero, parang nag - init ang ulo niya dahil sa pag - uusap namin ni Tanya!

"Reujael, si Jovanni ang partner ni Marie kaya hindi dapat natin siya kasama dito . . . "

Ayaw niya talaga akong kasama!

" . . . Pang - gulo lang siya dito, eh!"

At kumapit pa siya sa braso ni Jael!!

"Sinabi sa akin ni Jovanni na may pupuntahan siya ngayon kaya pinasabay niya si Marie sa paggawa natin ng project." Ang mahinahon niyang paliwanag.

Kahit na gusto ko rin naman, bakit kasi si Jael pa ang kinausap ni Jovanni para makasama kong gumawa? Hay, iyan tuloy . . . Kahit na naexplain na ni Jael ang reason, hindi pa rin tumigil si Tanya . . .

"But, Reujael . . . hindi ko talaga gusto na -- ."

Hindi niya pinatapos ng pagsasalita si Tanya and i think, naiinis na siya! "Ano bang problema mo?!"

Endangered Secret (On Going)Where stories live. Discover now