Chapter 11 || Rainbow After The Rain

71 14 1
                                    


Pagkababa sa taxi, pinuntahan ko agad ang nurse station at tinanong kung saan ang room ni mama. Pero sinabi niyang nasa emergency room ang mama ko kaya nagmadali akong tumungo doon. Nakita ko naman sina Sheen at papa malapit doon at hindi rin mapakali.




"Pa!" Tawag ko habang papalapit.




"Kumusta na daw po si mama?" Nangangatal pa ang aking boses.




"Nag-aagaw buhay daw sabi ng nurse. Marahil malakas talaga yung pagkakabunggo sa kanya."




Hindi ko na napigilang umiyak. Halos mawalan ako ng malay sa sobrang tindi ng pagkabahala ko at pagkatakot na ayokong mawala ang mama ko. Pakiramdam ko, ang lamig na ng paa't kamay ko sa sobrang nerbyos. Walang minutong hindi ako nagdasal na sana'y makaligtas si mama.




"Marie!"




Tawag ni Gabriel na paparating. Marahil sinundan niya ako.




"Anong nangyare?"




"Naaksidente si mama at . . . kritikal ang lagay niya. Nasa emergency room na siya."




Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.




"Ipag-pray na lang natin si mama mo na makaligtas siya."




"Ate, di ba . . . si kuya --- "




Biglang lumabas ang doctor. Halos manghina na ang buong katawan ko nang malaman naming wala na si mama. Sobrang sakit! Napakasakit! Ang hirap, ang bigat!




Kung maiibalik ko lang ang panahon . . .




O kung mabigyan lang ako nang kaunting oras na makasama pa siya . . .




Naiparamdam ko pa sana nang lubos kung gaano ko siya ka mahal.




Pero hindi.




Wala na siya.




Hindi ko na siya makakausap kahit kailan.




___




Ilang linggo akong nagmukmok sa kwarto ko. Minsan, nalilipasan na ako ng gutom. Hindi ko pa rin matanggap na wala na si mama. Walang akong tigil sa pagluha. Ilang bese din akong tinatawagan ni Gab pero ayoko munang makipag-usap.




Wala din tigil sa pagpunta sa bahay ko si Jael. Pero kahit naroon siya, wala naman ako sa mood na kausapin siya. At matapos ang ilan pang linggo, unti-unti ko ng nakakayanan ang sakit.




(Tok! Tok! Tok!)




Nakaupo ako sa salas sa ibaba at kumakain ng chocolate na dala ni Jael kahapon nang mapakinggan kong may kumakatok sa may bintana.





(Tok! Tok! Tok!)




Dahan-dahan akong lumapit at nabigla ako nang bumulaga sa akin ang dalawang puppet.




"Hello, kumusta?" Sabi ng isang puppet doon sa isa pa. Halatang binago talaga ng may hawak ang boses kaya natatawa ako kahit hindi ko pa alam kung sino ang taong ito.




"Mabuti naman. Alam mo, ang saya-saya ko ngayon."




"Bakit? Dahil ba kumakain yung crush mo ng chocolate?"




Endangered Secret (On Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя